Pumunta sa nilalaman

Paksa-Talatuntunan ng Panitikang-Pambayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Paksa-Talatuntunan ng Panitikang-Pambayan ay isang anim na tomong katalogo ng mga motif, butil-butil na elemento ng alamat, na binubuo ng Amerikanong folkloristang si Stith Thompson (1932-1936, binago at pinalawak noong 1955–1958). Kadalasang tinutukoy bilang paksa talatuntunan ni Thompson, ang katalogo ay malawakang ginagamit sa mga pag-aaral ng kuwentong-pambayan, kung saan karaniwang ginagamit ito ng mga folklorista kasabay ng Klasipikasyong Aarne–Thompson–Uther, isang talatuntunang ginagamit para sa pagsusuri ng uri ng kuwentong-pambayan.

Bilang estandardisadong kagamitan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paksa-talatuntunan at ang AT o ATU na mga talatuntunan ay itinuturing na mga karaniwang kasangkapan sa pag-aaral ng tradisyong-pambayan. Halimbawa, sinabi ng folkloristang si Mary Beth Stein, "Kasama ang anim na tomo ni Thompson na Paksa-Talatuntunan ng Panitikang-Pambayan, kung saan ito ay tumawid ng talatuntunan, Ang Mga Uri ng Kuwentong Bayan ay bumubuo ng pinakamahalagang sanggunian at kasangkapan sa pananaliksik para sa pagsusuring paghahambing sa tradisyong-pambayan.[1] Si Alan Dundes na isang tahasang kritiko ay nagsabi rin ng kaparehong bagay, nang hindi kinukulong ang aplikasyon sa paghahambing na pag-aaral: "[ang mga talatuntunan] talatuntunan ay naglalaman ng dalawa sa pinakamahalagang kagamitan sa propesyonal na makatutulong na armas ng isang folklorista para sa kaniyang pagsusuri.[2]

Ang mga maigsing balangkas ng parehong mga talatuntunan ay makikita sa The Folktale (1946) ni Thompson.[3]

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa konteksto ng talatuntunan, tinukoy ni Thompson ang paksa bilang mga sumusunod: "Ang paksa ay ang pinakamaliit na elemento sa isang kuwento na may kapangyarihang magpatuloy sa tradisyon. Upang magkaroon ng ganitong kapangyarihan dapat itong magkaroon ng kakaiba at kapansin-pansin na bagay tungkol dito."[4]

Ngunit sa Paksa-Talatunrunan mismo, si Thompson ay nagbigay din ng isang mas "maingat" na kahulugan:[5] "[a]numang bagay na napupunta upang bumuo ng isang tradisyonal na salaysay. . . Kapag ginamit ang terminong paksa, ito ay palaging nasa isang napakaluwag na kahulugan, at ginawa upang isama ang alinman sa mga elemento ng estruktura ng pagsasalaysay."[6]

Ang paggamit ng pangngalang paksa ay pagdalubhasa sa larangan ng pag-aaral ng alamat. Ayon sa Oxford English Dictionary (OED), ang folkloristikong paggamit ng pangngalan na paksa ay hindi ibinubuod sa kahulugan para sa kritisismong pampanitikan (“Motif,” def. 3a), ngunit nararapat sa sarili nitong hiwalay na kahulugan ng kahulugang ito (“Motif,” def. 3b).[7] Katulad nito, ang tambalang pangngalan na paksa talatuntunan ay ginagamit sa antropolohiyang pangkultura upang tukuyin ang "isang talatuntunan ng mga karaniwang paksa, lalo na yaong matatagpuan sa mga kuwentong bayan" (OED, “Motif Index,” def. C2).[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Stein (2015:1).
  2. Dundes (1997: 195)
  3. Thompson (1977 [1946]: 481-500)
  4. Thompson (1977: 415).
  5. Benson (1999: 23)
  6. Motif-index 19
  7. “Motif.” Def. 3a and 3b. 2008. Oxford English Dictionary Online Database. 3rd ed. Oxford, Oxford UP, 1989. Web. 10 December 2011.
  8. “Motif Index.” Def. C2. 2008. Oxford English Dictionary Online Database. 3rd ed. Oxford, Oxford UP. Web. 10 December 2011.