Pumunta sa nilalaman

Palasya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Palasiya)

Ang palasya o fallacy ay isang argumento o pangangatwirang gumagamit ng mababang uring pangangatwiran o isang baluktot na pangangatwiran. Ang argumeto ay isang palasya kung ang konklusyon nito ay totoo o hindi. Ang palasya ay maaaring pormal o impormal. Ang pagkakamaling mula sa mababang uri ng anyong lohikal ay tinatawag na palasyang pormal o simpleng isang hindi balidong argumento. Ang palasyang impormal ay pagkakamali sa pangangatwiran na hindi nagmumula sa hindi tamang anyong lohikal. Ang mga argumentong gumagamit ng mga palasyang impormal ay maaaring pormal na balido ngunit isa pa ring palasya.

Ang mga palasya ng pagpapalagay ay nabibigong magpatunay sa konklusyon sa pagpapalagay nito na totoo na ang konklusyon na walang ebidensiya. Ang mga palasya ng mahinang paghango ay nabibigong magpatunay ng konklusyon sa o kawalan o kakulangan ng ebidensiya. Ang mga palasya ng distraksiyon ay nabibigong magpatunay ng konklusyon sa mga walang kinalamang ebidensiya tulad ng emosyon. Ang mga palasya ng kawalang linaw ay nabibigong magpatunay ng konklusyon dahil sa kawalang linaw sa mga salita, parirala o baralira.

Ang ilang mga palasya ay sinasadya upang magmanipula o manghikayat sa pamamagitan ng pandaraya samantalang ang ilan ay hindi sinasadya dahil sa padalos dalos na pangangatwiran o dahil sa kamangmangan.

Si Aristoteles ang unang nagsistema ng mga pagkakamaling lohikal sa isang talaan. Ang De Sophisticis Elenchis ni Aristoteles ay kumikilala sa 13 palasya. Hinati niya ito sa dalawang pangunahing uri na batay sa wika. Hinati ni Richard Whately ang mga palasya sa dalawang pangkat: ang lohikal at materya; Ayon kay Whately, ang mga palasyang lohikal ay mga argumentong ang konklusyon ay hindi sumusunod mula sa mga premisa. Ang mga palasyang materyal ay hindi mga pagkakamaling lohikal dahil ang konklusyon ay sumusunod mula sa mga premisa. Kanyang hinati ang pangkat lohikal sa dalawa na purong lohikal at semi-lohikal. Ang semi-lohikal ay kinabibilangan ng lahat ng mga sopismo ni Aristoteles maliban sa ignoratio elenchi, petitio principii, at non causa pro causa na nasa pangkat materyal.