Pumunta sa nilalaman

Palau, Cerdeña

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Palau, Italy)
Palau

Lu Palau (Gallurese)
Comune di Palau
Lokasyon ng Palau
Map
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Italy Cerdeña" nor "Template:Location map Italy Cerdeña" exists.
Mga koordinado: 41°11′N 9°23′E / 41.183°N 9.383°E / 41.183; 9.383
BansaItalya
RehiyonCerdeña
LalawiganSacer (SS)
Mga frazioneAltura, Barrabisa, Capannaccia, Capo d'Orso, Costa Serena, L'Isuledda, Le Saline, Liscia Culumba, Petralana, Porto Pollo, Porto Rafael, Pulcheddu, Punta Sardegna
Pamahalaan
 • MayorFrancesco Pala
Lawak
 • Kabuuan44.4 km2 (17.1 milya kuwadrado)
Taas
5 m (16 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[1]
 • Kabuuan4,224
 • Kapal95/km2 (250/milya kuwadrado)
DemonymPalaesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
07020
Kodigo sa pagpihit0789
WebsaytOpisyal na website

Ang Palau (Gallurese: Lu Palau) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Sacer, hilagang awtonomong rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya ng Italya, mga 220 kilometro (140 mi) sa hilaga ng Cagliari at mga 30 kilometro (19 mi) hilagang-kanluran ng Olbia. Ito ay isang frazione ng comune ng Tempio Pausania hanggang 1959.

Ito ay matatagpuan sa Punta Sardegna, at itinatag noong 1875 ng mga lokal na pastol.

Malapit ang Capo D'Orso o "Kabo ng Oso", sa pinakakanlurang dulo ng Sardinia.[3] Ang kakaibang pormasyon ay resulta ng honeycomb weathering, isang anyo ng salt weathering.

Matatagpuan ang Palau sa teritoryal na rehiyon ng Gallura sa hilagang bahagi ng Cerdeña, malapit sa Baybaying Esmeralda, at ang daungan nito ang pangunahing daanan ng pagpunta sa kapuluang La Maddalena.

Mga monumento at tanawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Moog ng Monte Altura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan sa labas lamang ng nayon, ito ay isang mataas na muog militar na nag-aalok ng malawak na tanawin ng buong nakapalibot na pook marino. Itinayo ito sa loob ng dalawang taon noong 1887–1889 at bukas na sa publiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  3. Scheffel, Richard L.; Wernet, Susan J., mga pat. (1980). Natural Wonders of the World. United States of America: Reader's Digest Association, Inc. pp. 283–284. ISBN 0-89577-087-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]