Pumunta sa nilalaman

Palazzo Chigi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Palasyo Chigi
Palazzo Chigi
Palazzo Chigi, tahanan ng Punong Ministro ng Itlalya.
Map
Pangkalahatang impormasyon
Bayan o lungsodRoma
BansaItalya
Mga koordinado41°54′05″N 12°28′47″E / 41.9014°N 12.4797°E / 41.9014; 12.4797
Kasalukuyang gumagamitGiuseppe Conte (2018–kasalukuyan)
Natapos1580
KliyentePamilya Aldobrandini
Pamilya Chigi
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoGiacomo della Porta
Carlo Maderno

Ang Palazzo Chigi (Italyano: Palazzo Chigi [paˈlattso ˈkiːdʒi]) ay isang palasyo at dating marangal na tirahan sa Roma kung saan ito ang tirahang opisyal ng Punong Ministro ng Italya. Mula noong Hunyo 1, 2018, ang nangungupahan ng Palazzo Chigi ay si Giuseppe Conte.[1]

Ang kasaysayan ng arkitektura ng Palasyo ng Chigi ay sumasaklaw ng higit sa tatlong siglo kung saan sinundan ng ilang mga proyekto at patuloy na pag-aangkop sa mga pabago-bagong pangangailangan ng Palasyo. Ang Palasyo, na tinatanaw ang Piazza Colonna at ang Via del Corso, ay sinimulan noong 1562 ni Giacomo della Porta. Noong Enero 28, 1578, ang konsistoryal na abogado na si Pietro Aldobrandini, kapatid ng paparating na Papa Clemente VIII, ay bumili ng bahay sa Via del Corso. Ipinagkatiwala ang proyekto sa arkitektong si Matteo Bartolini na mula sa Città di Castello. Nagmamay-ari na si Aldobrandini ng isang ari-arian sa kahabaan ng kalsada na nasa hangganan ng tinatawag na "pulo Colonna", na nagkokonekta sa pamamagitan ng del Corso sa Montecitorio, nilayon niyang pag-isahin ang dalawang ari-arian. Sa pagkamatay ni Pietro Aldobrandini, ibinenta ng kaniyang anak ang mga ari-arian kay Paolo Fossano, na nagpatuloy sa trabaho sa gilid ng Via del Corso.[2]

  1. Il Presidente del Consiglio, governo.it
  2. Palazzo Chigi – Cronologia, governo.it
[baguhin | baguhin ang wikitext]