Palazzo Falconieri
Itsura
Ang Palazzo Falconieri ay isang palasyo sa Roma, Italya na nabuo noong ikalabimpito siglo bilang isang resulta ng muling pagbabago ng arkitektong Barokong siFrancesco Borromini. Ito ang tahanan ng Akademiyang Unggaryo ng Roma (na tanggapan sa Roma ng Suriang Balassi), mula nang maitatag ito noong 1927. Matatagpuan ito sa pagitan ng Via Giulia at Lungotevere, na may mga pasukan sa pareho; malapit ito sa Palazzo Farnese at ilang bahay pababa tawid ng Via Giulia mula sa simbahan ng Santa Caterina della Rota sa Rione ng Regola. Mula 1814, inokupa ito ni kardinal Joseph Fesch, tiyuhin ni Napoleon.