Palazzo Jacopo da Brescia
Ang Palazzo Jacopo da Brescia ay isang dating Renasimiyentong palasyo sa Roma, Italya, na matatagpuan sa Borgo rione.
Itinayo ito para kay Jacopo (kilala rin bilang Giacomo di Bartolomeo) da Brescia, isang manggagamot sa serbisyo ni Papa Leo X, sa pagitan ng 1515 at 1519. Ang disenyo nito ay karaniwang naiugnay kay Raphael, at ibinatay sa kalapit na Palazzo Caprini ni Bramante (kapuwa giniba). Ang palasyo, na mayroong tatsulok na plano, ay nakatayo sa pagtatagpo ng Borgo Nuovo at Borgo S.Angelo. Sa Borgo Nuovo, ang bahay ay hangganan sa silangan sa bahay ni Febo Brigotti, doktor ni Papa Pablo III, isa pang kilalang Renasimiyentong gusali.[1] Giniba ito upang pahintulutan ang pagtatayo ng Via della Conciliazione noong 1937, at itinayong muli (na may ibang plano) sa may Via Rusticucci at Via dei Corridori, hindi kalayuan sa orihinal na lokasyon nito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Portoghesi, Paolo (1971). Roma del Rinascimento (in Italian). Electa, Milano. NA1121.R6 P6.
- Gigli, Laura; Zanella, Andrea. Guide rionali di Roma (in Italian). Borgo - III. Fratelli Palombi Editori, Roma. p. 99. ISSN 0393-2710.
- Frommel, Ch. L. (2003). "I palazzi di Raffaello: come si abitava e viveva nella Roma del primo Cinquecento". Architettura alla corte papale nel Rinascimento (in Italian). Milan. pp. 240–255.
- ↑ oma