Pumunta sa nilalaman

Palazzo Núñez-Torlonia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Palazzo Núñez-Torlonia ay isang palasyo sa Roma, gitnang Italya, ang kasalukuyang tahanan ng pamilya Torlonia .

Ang palasyo ay itinayo noong 1660 ni Giovanni Antonio De Rossi para sa markes na si Francisco Nuñez-Sánchez. Noong 1806 ang palasyo ay nakuha ni prinsipe Lucien Bonaparte, kapatid ni EmperadorNapoleon Bonaparte. Ang ina ng huli, si Letizia Ramolino at ang kaniyang kapatid na si Prinsipe Jérôme Bonaparte ay nanirahan din dito. Noong 1842 ang palasyo ay nakuha ni Prinsipe Marino Torlonia, na nagtalaga sa pagpapanumbalik kay Antonio Sarti, na pinaabot ang estruktura sa harap ng Via Bocca di Leone.