Palazzo Zani, Bolonia
Ang Palazzo Zani ay isang palasyong Renasimiyento sa via Santo Stefano 56 sa sentrong Bolonia, rehiyon ng Emilia Romagna, Italya.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatayo ng palasyo ay ikinomisyon mula kay Marc'Antonio Zani, mula sa arkitekto na si Floriano Ambrosini. Nakumpleto ang palasyo noong 1594. Ang patsada ay may malaking orden na mga pilaster, na nakatayo sa ibabaw ng isang rustikadong portiko. Ang patyo ay may isang ilusyonistikong fresco (1785) na ipininta ni Antonio Bonetti. Ang unang palapag ay may mga fresco ni Girolamo Mattioli, habang ang kisame ng pangunahing salon ay pinalamutian ng isang batang Guido Reni ng may mga fresco ng Fall of Phaeton. Ang pamilyang Zani ay dating nagmamay-ari ng Madonna of the Rose ni Parmigianino, ibinenta noong 1732, at ngayon ay nasa kolekisyon sa Dresden.