Pumunta sa nilalaman

Palengke ni Trajano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Palengke ni Trajano, 2006.

Ang Palengke ni Trajano (Latin: Mercatus Traiani, Italyano: Mercati di Traiano) ay isang malaking complex ng mga labi sa lungsod ng Roma, Italya, na matatagpuan sa Via dei Fori Imperiali, sa tapat na dulo ng Koliseo. Ang mga natitirang mga gusali at estrktura, na itinayo bilang isang mahalagang bahagi ng Forum ni Trajano at nakalagay taliwas sa nahukay na likid ng Burol Quirinal, nagpapakita ng isang buhay na modelo ng buhay sa kabesera ng Roma at isang sulyap sa pagpapanumbalik sa lungsod, na nagpapakita ng mga bagong kayamanan at pananaw hinggil sa Sinaunang arkitekturang Romano.[1][2][2][3]

Hinihinuha bilang pinakalumang pamilihang mall sa buong mundo, ang mga arcade sa Palengke ni Trajano ay pinaniniwalaan ngayon ng marami bilang mga tanggapang administratibo para kay Emperador Trajano. Ang mga tindahan at apartment ay itinayo sa isang multinibel na estruktura at posible pa ring bisitahin ang ilan sa mga antas. Kabilang sa mga natatanging katangian ay ang mga maselang marmol na sahig at ang labi ng isang silid-aklatan.[4]

Palengke ni Trajano
A photograph showing the landscape of Trajan's Market in 2000.
Tanaw ng Palengke ni Trajano, 2000
A photograph showing a view of Trajan's Market from Via Biberatica (2006).
Palengke ni Trajano at ang Via Biberatica (2006)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bunson 2002.
  2. 2.0 2.1 Honour-Fleming 2009.
  3. Vreeland 2005.
  4. Vreeland 2005, p. 33.
[baguhin | baguhin ang wikitext]