Pamalisan
Ang pamalisan ng paa ay isang patag at karaniwang parisukat na pamunasan o punasan ng paa[1] na nilalagay sa may pintuan ng isang bahay. Nilalagay ito sa kaagad na labas o loob ng pasukan ng isang bahay o gusali upang mapahintulutan ang mga tao na tanggalin o palisin ang mga sakong o talampakan ng kanilang mga sapatos o anumang sapin sa paa bago pumasok. Kalimitang gawa ang mga pamalisan sa matibay at matagal masirang mga materyal katulad ng himaymay ng hibla ng bunot ng niyog, hibla at sanga o tangkay ng palmira o puno ng palma (Arecaceae), nilon, goma, tela, o aluminyo at iba pang mga metal. Maaari ring tinatawag na "pambating banig" ang pamalisan ng paa, sapagkat may kaugnayan sa pagbati ng mga panauhin ang kanilang kinalalagyan, at maaaring magkaroon ng nakasulat na salita, mensahe, o senyas ng pagbati, na maaaring nakakatawa rin at may mga ginuhit na larawan.
Sa ibang pakahulugan, maaari itong piguratibong tumukoy sa isang taong hindi pumapalag o tumututol sa pang-aabuso, pang-aapi at paggamit sa kanya ng ibang mga tao.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.