Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng London

Mga koordinado: 51°31′16″N 0°07′44″W / 51.52111°N 0.12889°W / 51.52111; -0.12889
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pamantasan ng Londres)
Pamantasan ng Londres
Latin: Universitas Londiniensis
Itinatag noong1836
UriPublikong Pamantasan
KansilyerAnne, Prinsesang Kamahalan
Lokasyon,
51°31′16″N 0°07′44″W / 51.52111°N 0.12889°W / 51.52111; -0.12889
Websaytlondon.ac.uk

Ang Unibersidad ng London ay isang pederal na pamantasan na binubuo ng mga kolehiyo. Ito ay isang pamantasang pananaliksik na matatagpuan sa Londres, Ingglatera, binubuo ng 18 mga kolehiyo, 10 pananaliksik na mga institusyon at ilang sentrong katawan.[1]

Ang pamunuang opisina ng Pamantasan ng London

Ang Pamantasan ng Londres ay ang pangalawang pinakamalaking pamantasan base sa bilang ng mga estudyante sa United Kingdom, na may humigit-kumulang 135,000 na mga estudyante sa mga kampus nito at lampas 50,000 na mga estudyante sa 'malayong pag-aaral' na programa nito. Ang pamantasan ay nalikha ng Royal Charter noong 1836, kung saan napagsama sa pederasyon ang London University (na ngayon ay University College London) at King's College (na ngayon ay King's College London).

Para sa mga praktikal na mithiin, mula sa pagtanggap ng mga estudyante hanggang sa pag-pondo ng mga bumubo ng Pamantasan, ang mga kolehiyong bumubuo nito ay medyo umo-opera ng independente, na mayroong angking kalakasang magbigay ng sarili nilang mga digri habang sumsailalim sa pederal na pamantasan. Ang siyam na pinakamalaking kolehiyo ng pamantasan ay ang sumusunod:King's College London; University College London; Birkbeck; Goldsmiths; the London Business School; Queen Mary; Royal Holloway; SOAS; ang London School of Economics and Political Science. Ang kolehiyong espesyal ng pamantasan ay ang mga sumusunod: Heythrop College, na tumutukoy sa pilosopiya at teolohiya, at ang St George's, na tumutukoy sa pag-aaral ng medisina. Ang Imperial College London ay dating miyembro ngunit tumiwalag sa Pamantasan ng Londres noong 2007.

Maraming mga indibidwal ay nag-aral sa Pamantasan ng Londres, bilang mga staff o estudyante, kasama ang 4 na monarko, 52 president o primerong ministeryo, 74 Nobel laureates, 6 na nanalo ng Grammy, 2 nanalo ng Oscar at 3 nanalo ng ginto sa Olympics.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "About us". University of London. 2 April 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Septiyembre 2016. Nakuha noong 12 July 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)