Pumunta sa nilalaman

Pamantasan ng Washington

Mga koordinado: 47°39′15″N 122°18′29″W / 47.6542°N 122.3081°W / 47.6542; -122.3081
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aerial view ng campus, circa 1922
Ang Patyo sa loob

Ang Unibersidad ng Washington (Ingles: University of Washington), karaniwang tinutukoy bilang Washington, UW, o U-Dub sa impormal, ay pangunahing pampublikong unibersidad sa pananaliksik na nakabase sa Seattle, estado ng Washington, Estados Unidos. Itinatag noong 1861, ang Washington ay isa sa mga pinakamatandang unibersidad sa West Coast.[1][2]

Ang university ay may tatlong kampus: ang pangunahin at pinakamalaki ay nasa University District ng Seattle at dalawang iba pa ay nasa lungsod ng Tacoma at Bothell. Ang badyet at gastusin ng unibersidad para sa pamamahala at pananaliksik para sa piskal na taong 2014-15 ay inaasahang magiging $6.4 bilyon, na siyang isa sa pinakamataas sa buong Estados Unidos.[3] Ang UW ay sumasakop sa higit 500 gusali, na na nakatirik sa higit 20 milyong piyeng parisukat ng espasyo, kabilang na ang University of Washington Plaza, ang 325 piyeng UW Tower, higit sa 26 aklatan, pati na rin ang mga sentrong pangkumperensya.

Ang Washington ay miyembro ng Association of American Universities. Sa atletika, ang unibersidad ay nakikipagkumpitensya sa NCAA Division i Pac-12 Conference (Pac-12). Ang koponang atletiko ng unibersidad ay tinatawag na Huskies.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Academic Ranking of World Universities in Clinical Medicine and Pharmacy – 2013". Center for World-Class Universities at Shanghai Jiao Tong University. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 21, 2014. Nakuha noong Disyembre 9, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo August 21, 2014[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  2. "Best Medical Schools: Research – 2013". US News and World Report. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 5, 2012. Nakuha noong Disyembre 9, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Executive Summary – Fiscal Year 2015 (FY15) Operating Budget, Tuition Item, and Capital Budget" (PDF). University of Washington. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Agosto 17, 2014. Nakuha noong Hunyo 16, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

47°39′15″N 122°18′29″W / 47.6542°N 122.3081°W / 47.6542; -122.3081