Pamantasang Estatal na Abkhazian

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Pamantasang Estatal na Abkhazian (Ingles: Abkhazian State University) ay ang tanging unibersidad sa Abkhazia . Itinatag ito noong 1979 batay sa Sukhumi Pedagogical Institute . Ang una nitong rektor ay si Zurab Anchabadze. Matatag[uan ito sa lungsod ng Sukhumi.

Ang unibersidad ay binubuo ng mga kagawaran ng pisika at matematika, biolohiya at heograpiya, kasaysayan, pilolohiya, ekonomiya, batas, pedagohiya, at agro-inhenyeriya.

Ang unang kolehiyo sa Abkhazia, Sukhumi Agro-pedagogical Institute ay itinatag noong 1932 at naging Maxim Gorky Pedagogical Institute sa kasunod na taon. Kasunod ng mga rali at demonstrasyon sa kalye noong 1978 ito ay binago sa kasalukuyan nitong pangalan.