Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas
Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas | |
---|---|
Latin: Technologica Universitas Philippinarum | |
Sawikain | Haligi ng Bayan |
Uri | state, national university |
Pangulo | Dr. Olympio V. Caparas |
Academikong kawani | mahigit-kumulang 500 |
Mag-aaral | mahigit-kumulang 10,000 |
Lokasyon | , , Philippines |
Kampus | Manila (Pangunahing Kampus), Taguig, Cavite, Visayas |
Hymn | TUP Hymn |
Kulay | Kardinal Red at Grey |
Palayaw | TUPians |
Maskot | TUP Grey Hawk |
Apilasyon | ASAIHL, SCUAA, PISCUAA |
Websayt | www.tup.edu.ph |
T.U.P. Centennial Year |
Ang Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas (Ingles: Technological University of the Philippines) ay matatagpuan sa lugar ng "University Belt" sa Ermita, Maynila, ay isang pambansa at pampublikong pamantasan sa Pilipinas. Ito ay kinikilala bilang pangunahing institusyon sa edukasyong pang-teknolohiya sa Pilipinas. Simula ng itatatag ang TUP mula sa isang "Trade School" noong 1901 bilang isang pambansang pamantasan noong 1978, sinasanay na nito ang impluwensiya sa pang-industriyang sining, post secondary , bokasyonal-industriyal na edukasyon at sa teknikal at pang-inhenyeriyang edukasyon. Ito ay nakatulong sa paglago at pag-unlad ng mga guro, mga tagapamahala at mga tagapangasiwa sa iba't-ibang pang-edukasyon na institusyon. Gayundin, ito ay lubos na nakapagambag sa supply ng mga bihasang mangagawa sa labor market at industriya. Sa parehong panahon, unti-unting nagunguna sa pamumuno sa pagsasagawa ng pananaliksik at pag-unlad para sa pagsulong at paglipat ng teknolohiya, lalo na sa mga probinsiya.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas ay itinatag sa pagsasabatas ng Organic Act No. 74 sa pamamagitan ng Philippine Commission noong 1901. Ang TUP ay kilala bilang Manila Trade School (MTS) na may pangunahing layunin na paunlarin ang kalidad ng paggawa sa bansa. Noong 1910, ang Manila Trade School ay muling pinangalanan bilang Philippine School of Arts and Trades (PSAT). Alinsunod sa Republic Act 2237 na inisyu noong 17 Hulyo 1959, Ang Philippine School of Arts and Trades ay nabigyan ng katayuan bilang kolehiyo at pinangalanang Philippine College of Arts and Trades (PCAT). Mula 1959 hanggang 1978, ang PCAT ay kilala sa mga programa na tulad ng engineering technology at industrial teaching education. Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1518 inisyu noong 11 Hulyo 1978 ang Philippine College of Arts and Trades ay naging Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas.
Ngayon, ang TUP ay ipinagmamalaki ang pagganap ng kanilang mga mag-aaral sa lokal at sa ibang bansa. ang mga mag-aaral ay naging bihasa sa larangan ng engineering, engineering technology, industrial education, agham, architecture at sining.
Sa kasalukuyan, ang TUP ay may apat na campus. Ang pangunahing campus ng unibersidad ay matatagpuan sa Maynila. Ang tatlong satellite campus ay sa Taguig, Cavite, at Visayas. Bukod sa mga apat na campus, pinapanatili ng TUP ang Integrated Research and Training Center (IRTC) na matatagpuan sa pangunahing campus. ang IRTC ay itinatag sa pamamagitan ng Japan International Corporation Agency (JICA) sa pamamagitan ng isang Teknikal na kooperasyon noong 1982.
Mga Kolehiyo at Akademikong Programa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unibersidad ay naglalayong manindigan sa pangunguna pagdating sa edukasyon pang-teknolohiya. Upang mapanatili ang kaugnayan at competitiveness ng akademikong programa sa unibersidad, may mga reporma na itinatag. Taun-taon, ang anim na kolehiyo sa pangunahing campus at ang tatlong satellite campus ng unibersidad ay sinusuri ang kaugnayan ng kanilang akademikong kanilang inihahandog at i-uupdate ang kani-kanilang course syllabi para masustenahan at mabigyang pansin ang kanilang kasanayan, pagsasanay at edukasyon ng mga pangangailangan ng workforce sa industriya.
Logo | Mga Kolehiyo | Itinatag | Dean | Mga Departamento | Mga Kurso |
---|---|---|---|---|---|
Kolehiyo ng Pang-Inhinyero | 1979 | Dr. Melito A. Baccay |
|
Graduate Programs
Undergraduate Programs
| |
Kolehiyo ng Pang-Industriyang Teknolohiya | 1978 | Dr. Enrico R. Hilario |
|
Graduate Programs
Undergraduate Programs
Pre-Baccalaureate Programs
| |
Kolehiyo ng Pang-Industriyang Edukasyon | 1978 | Dr. Belen M. Jamisal |
|
Graduate Programs
Undergraduate Programs
| |
Kolehiyo ng Arkitektura at Fine Arts | 1979 | Dr. Roberto Panganoron |
|
Graduate Programs
Undergraduate Programs
Pre-Baccalaureate Programs
| |
Kolehiyo ng Agham | 1995 | Prof. Milagros Pangan |
|
Graduate Programs
Undergraduate Programs
| |
Kolehiyo ng Malayang Sining | 1995 | Dr. Martina M. Mendoza |
|
Graduate Programs
Undergraduate Programs
|