Pumunta sa nilalaman

Pambobomba sa Jolo ng 2020

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pambobomba sa Jolo ng 2020
Bahagi ng Sigalot ng Abu Sayaff
Jolo (Pilipinas)
Lokasyon ng magkasunod na pagsabog sa Jolo
LokasyonWalled City, Jolo, Sulu,  Bangsamoro
PetsaAgosto 24, 2020
1:00 pm (PST, UTC+8)
Uri ng paglusobPagbobomba
SandataUnang pagsabog:
Ang Improvised explosive device na tinanim sa isang motorsiklo
Pangalawang pagsabog:
Ang Improvised explosive device na nilagay sa sasakyang militar
Namatay14 (1+ ataker, utas)
Nasugatan75 (sugatan)
UmatakeIsang babaeng suicide bomber
Hinihinalang salarinAbu Sayyaf
MotiboHindi pa batid

Ang mga Pambobomba sa Jolo ng 2020 ay naganap sa oras pasadong 1:00 pm ng Hapon sa Walled City, Jolo, Sulu, Mindanao katimugang Pilipinas ay sumiklab ang malakas na magkakasunod ang pagsabog malapit sa isang tindahan, hinda bababa sa 12 ang naiulat na nautas, 15 rito ang nasawi at 78 ang sugatan.[1][2]

5 sundalo ang naiulat na nasawi kabilang ang ilang mga bata na kasama sa 14 na namatay, Pinag sasapantahaan ang isang babae na suicide bomber sa magkasunod na pagsabog ang unang pagsabog ay naganap sa bungad ng tindahan ay 100 ang metrong layo sa pangalawang pagsabog na yumanig malapit sa isang simbahan ng 1:00 pm[3]

Sinabi ng isang militar na pinaghinalaan ang pambobomba na isang eksperto ay siya ang nasa likod ng pagsabog sa Katedral ng Jolo isang taon ang naka-lipas.[4]

Ang Jolo ay ang kapitolyo ng Sulu; sa loob ng ilang dekada, kumakaharap ang lalawigan kasama ang buong rehiyon sa pag-atake ng mga terorista. Ang Sulu ay may populasyon ng ka-Musliman at may halong Kristiyano na nakapaloob sa bayan. Ang mga pag-atake ay ang mga pambobomba, pamamaril at pandadakip na may armas na Armalite at Improvised Explosive Devices.

Ang mga rebeldeng grupo na Abu Sayaff, Maute at iba pa ang mga nag-aako sa responsableng pag-atake kapalit ng kanilang mga hangad at ninanais, sa pamamagitan ng ransom.

Bunsod ng Pandemya ng COVID-19 sa isang tahimik na baryo sa Walled City, dakong tanghaling tapat ay naganap ang mga pag-atake, Isang babae ang pinagsusupetyahan sa mag ka-sunod na pag-sabog ang unang pag-sabog ay ang isang naka-tindig na motorsiklo at ang sumunod ang ay sasakyang militar na may dalang gamot at makakain, ng mag laon limang (5) militar ang kritikal ang napuruhan ng IED, at ilan rito ang bata at mga sibilyan na namimili sa isang kalye.

Nag-dulot ng takot sa mga residente ang dalawang pag-sabog at nagsasagawa ng pag tugis upang ma timbog ang sangkot sa nangyari, nag hain rin ng lockdown ang buong Jolo maging ang Sulu.

Talasangunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]