Pumunta sa nilalaman

Pambobomba sa Karachi noong 5 Pebrero 2010

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pambobomba sa Karachi noong 5 Pebrero 2010
LokasyonKarachi, Pakistan
Petsa5 Pebrero 2010
TargetMultiple
Uri ng paglusobSuicide bomber
Namatay19+ [1][2]
Nasugatan50+[2][3]

Ang Pambobomba sa Karachi noong 5 Pebrero 2010 ay isang pambobomba sa pamamagitan ng pagpapasabog ng sarili ng dalawang tao sa Karachi, Pakistan noong 5 Pebrero 2010[1][2]. Naganap ang unang pagsabog sa bus na sinasakyan ng mga taong patungo sa relihiyosong prusisyon sa Karachi. Gumamit ang nagpasabog ng sarili ng motorsiklo at ibinangga ito sa naturang bus[1]. Tinatayang mahigit sa sampung katao ang agad na namatay at limampu pa ang sugatan na isinugod sa pagamutan ng Jinnah sa Karachi[2][4].

Naganap ang ikalawang pagsabog sa harap mismo ng pagamutan kung saan nilalapatan ng lunas ang mga nasugatan sa unang pagsabog[1][3]. Tinatayang hindi bababa sa pitong katao ang namatay at 25 pa ang nasugatan dahil sa pangalawang pagsabog[3]. Tatlo o mahigit pang bilang nang ambulansya ang nasira dahil dito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Karachi Attacks on Pilgrims' Bus, Hospital Kill 23". Business Week. Nakuha noong 05 Pebrero 2010. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Pakistan double bombing kills Shia Muslims". BBC News. Nakuha noong 05 Pebrero 2010. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Pakistan rocked by twin explosions in Karachi". The Guardian. Nakuha noong 05 Pebrero 2010. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. "18 killed in dual bomb attack in Karachi". CNN News. Nakuha noong 05 Pebrero 2010. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]