Paninilip
Sa sikolohiya, ang paninilip, mahalay na paninilip, o pamboboso (Ingles: voyeurism), ay ang pagkakaroon ng pagsasagawa o kahiligang seksuwal ng pagmamanman o paniniktik sa mga taong gumagawa ng mga gawaing pansarili o gawaing matalik, katulad ng pagtatanggal ng damit, gawaing seksuwal, o iba pang mga gawaing karaniwang itinuturing na likas na pribado.[1][2] Sa popular na imahinasyon, ginagamit ang katawagang ito sa mas malawakang diwa upang tukuyin ang isang taong namihasang magmanman ng ibang mga taong hindi nalalamang pinagmamasdan sila, at walang kinakailangang pagkasangkot ng kagustuhang seksuwal. Tinatawag na maninilip o mamboboso ang isang taong nasisiyahan o lumiligaya dahil sa paninilip.[3] Sa taong mahilig na manilip, ang kaibahan niya ay ang pangunahin o tanging pinagmumulan ng damdamin niya ng pagkapukaw na seksuwal ay ang panonood sa ibang tao na nasa sari-saring yugto ng paghuhubad o kawalan ng damit o gawain ng pakikipagtalik.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hirschfeld, M. (1938). Sexual anomalies and perversions: Physical and psychological development, diagnosis and treatment (bago at binagong edisyon). Londres: Encyclopaedic Press.
- ↑ Smith, R. S. (1976). Voyeurism: A review of the literature. Archives of Sexual Behavior, 5, 585-608.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Voyeur - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.