Pumunta sa nilalaman

Gangster

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pambubutang)

Ang gangster (kasapi sa gang; mobster [kasapi sa mga mapanggulo]) ay isang kriminal na kasapi sa isang organisasyon na pangkrimen, katulad ng isang gang (masamang barkada). Sa kasaysayan ng Estados Unidos, ang mga salitang gangster at mobster ay mga katagang malawakng ginamit upang tukuyin ang mga miyembro ng mga gang na may kaugnayan sa panahon ng Prohibisyong Amerikano at sa bersiyon ng Mafia sa Estados Unidos, katulad ng mga sindikatong tinatawag bilang Chicago Outfit o kaya ang Five Families. Ang mobster ay isang salitang hinango magmula sa Latin at Aramaiko. Ang isang gang ay isang pangkat na binubuo ng tatlo o mas marami pang mga tao na, sa pamamagitan ng samahan, organisasyon, pagbubuo, at paglulunsad ng kapulungan, ay nagsasalo ng isang karaniwang katauhan o pagkakakilanlan at mga katangian. Sa mas maagang paggamit ng salitang gang, ang salitang ito ay tumutukoy dati sa isang pangkat ng mga taong manggagawa. Madalas pa ring ginagamit sa Nagkakaisang Kaharian ang salitang "gang" sa ganitong diwa.


TaoBatas Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.