Panustos at pangangailangan
Ang panustos at pangangailangan, pampuno at pangangailangan, o pagpupuno at pangangailangan (Ingles: supply and demand) ay isang pang-ekonomiyang huwaran o modelo ng pagtukoy ng halaga o presyo sa isang pamilihan. Nilalagom nito na ang isang pamilihang may tagis o kompetitibo, ang pangyunit na presyo para sa isang partikular na bagay ay magbabago hanggang sa pumirmi ito sa isang punto kung saan ang daming hinihingi o kinakailangan ng mga tagakonsumo (sa pangkasalukuyang halaga) ay katumbas ng daming maipampupuno ng mga prodyuser o tagagawa ng produkto (sa pangkasalukuyang presyo), na kinareresultahan ng ekilibriyong pang-ekonomiya (katatagan ng ekonomiya) ng presyo at ng dami.
Ang apat na payak na mga batas ng pagpupuno at pangangailangan ay[1]
- Kapag ang pangangailangan ay tumataas at ang pampuno ay nananatiling hindi nagbabago kung gayon may mas mataas na matatag na presyo at dami (kantidad).
- Kapag ang pangangailangan ay bumababa at ang dami ay nananatiling magkapareho o magkatulad kung gayon may mas mababang katatagan ng halaga at ng dami.
- Kapag tumataas ang pampuno at nananatili ang pangangailangan kung gayon may mababang katatagan ng presyo at may mas mataas na dami.
- Kapag bumababa ang pampuno at nananatili ang pangangailangan kung gayon may mas mataas na halaga o presyo at mas mababang dami.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Besanko & Braeutigam (2005), p.33.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.