Pandaigdigang Sentro para sa Pag-aaral ng Pagpapanatili at Pagpapanumbalik ng Pagmamay-aring Pangkultura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Pandaigdigang Sentro para sa Pag-aaral ng Pagpapanatili at Pagpapanumbalik ng Pagmamay-aring Pangkultura
ICCROM-etats membres.svg
DaglatICCROM
MottoConserving culture, promoting diversity
Pagkakabuo1956
UriIntergovernmental Organization (IGO)
Layuninconservation-restoration
Punong tanggapanRoma, Italya
Kinaroroonan
  • Via di San Michele 13, 00153 Roma, Italya
Rehiyon served
Pandaigdig
Kasapihip
136 Kasaping Estado
Wikang opisyal
Ingles, Pranses
Pangkalahatang Direktor
Webber Ndoro
Websitewww.iccrom.org

Ang Pandaigdigang Sentro para sa Pag-aaral ng Pagpapanatili at Pagpapanumbalik ng Pagmamay-aring Pangkultura (International Centre for the Study of the Preservation and Restoration of Cultural Property o ICCROM ) ay isang samahang intergovernmental na nakatuon sa pagpapanatili ng pamanang kultural sa buong mundo sa pamamagitan ng mga programa sa pagsasanay, impormasyon, pananaliksik, kooperasyon, at adbokasiya. Nilalayon nitong mapahusay ang larangan ng konserbasyon-pagpapanumbalik at itaas ang kamalayan sa kahalagahan at pagkamaselan ng pamanang kultural.

Ang paglikha ng Sentro ay nangyari bilang isang resulta ng isang panukala sa UNESCO Pangkalahatang Pagtitipon na isinagawa sa New Delhi, noong 1956. Makalipas ang tatlong taon, ang Sentro ay itinatag sa Roma, Italya, kung saan nananatili ang punong-tanggapan hanggang ngayon.

Tumutugon ang ICCROM sa mga pangangailangan ng mga Kasaping Estado, na kasalukuyang nasa 136.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "About Us". Nakuha noong 2018-01-19.

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang batayan]