Pumunta sa nilalaman

Pandora

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Pandora.

Ayon sa mitolohiyang Griyego, si Pandora ang unang babaeng tao. Sa pag-uutos ni Zeus, nilikha siya ni Hephaestus mula sa paghubog sa putik.[1] Siya ang paksa ng salaysaying Kahon ni Pandora.

Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "handog ng lahat ng mga diyos", dahil nagbigay ang bawat isa sa mga diyos at diyosa ng Bundok ng Olimpo ng kanilang mga ambag sa paglikha kay Pandora.[1] Kilala rin siya bilang Anesidora, na may ibig sabihing "babaeng nakapagdudulot ng pagbibigay ng mga handog".[2]

Paglikha kay Pandora

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa paglikha ni Prometeus sa taong lalaki bilang kamukha ng mga diyos, iniutos ni Zeus ang paglikha sa lipi ng mga kababaihan, sa pangunguna ni Pandora. Pagkaraan mahubog siya ni Hephaestus mula sa tinubigang lupa o putik, hiningahan siya ng buhay ni Athena. Si Athena rin ang nagbigay ng kasuotan o damit kay Pandora. Nagmula sa mga diyos na tinatawag na Mga Kawang-gawa (tinatawag ding Karidad, Karitas, o Obras-Pias) ang kanyang mga alahas. Dahil sa kagagawan ni Zeus, nabigyan ni Hermes si Pandora ng kakayahang sa panlalansi, pagkatuso, at pagsisinungaling.[1]

Kahon ni Pandora

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Batay sa mitolohiyang Griyego, binigyan si Pandora ni Zeus ng isang ginintuang kahon (malaking taguan o imbakang garapon o pithos sa orihinal na bersyon[3]; naging kahon, kaskete o estutse sa ibang mga bersyon) at inutusang huwag itong bubuksan. Subalit dahil sa kagustuhan ni Pandorang malaman kung ano ang laman ng kahon, sinilip niya ng isang ulit ang loob nito. Dahil dito, nakawala ang lahat ng mga uri ng kasamaan palabas sa paligid ng mundo. Ngunit nagawa niyang maipinid ang takip ng kahon upang masagip ang pag-asa, ang nag-iisang mabuting bagay na natirang nakapaloob sa kahon ni Pandora.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Pandora, gift of all the gods". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 358-359.
  2. Harrison, Jane Ellen. "Pandora" (all-gifted, gifted by all) / "Anesidora" (she who sends up gifts), Prolegomena to the Study of Greek Religion, ikatlong edisyon, 1922:281.
  3. Harrison, Jane Ellen, "Pandora's Box", The Journal of Hellenic Studies 20 (1900: 99–114), kaugnay ng pithos na naging pyxide sa pagsasalin at iniuugnay Pithoigia ng kapistahang Atenyanong Anthestria.