Pangangatwiran
Ang pangangatwiran (Ingles: justification[1]) ay kung ano ang ginagawa natin kapag kumukuha tayo ng impormasyon na ibinigay sa atin, ihambing ito sa kung ano ang alam na natin, at pagkatapos ay gumawa ng konklusyon.
Isaalang-alang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa isang mabisang pangangatwiran, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:
- Malalim na kaalaman at pagkaunawa sa paksang ipagmamatuwid
- Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
- May sapat na katwiran at katibayang pakapagpapatunay sa pagmamatuwid
- Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat
- Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
Pakikipagdebate
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang paraan upang maipakita ang kasanayan sa pangangatwiran ay sa pamamagitan ng pakikipagdebate. Ito ay binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na nagbibigay-katwiran sa isang proposisyon o paksang napagkasunduan nilang pagtalunan. Kadalasan, binibigkas ang pagtatalo subalit mayroon din namang pasulat.
Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pakikipagdebate
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangangalap ng Datos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang mga katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid at kinukuha ang mga ito sa napapanahong aklat, sanggunian, magasin at pahayagan. Dalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunan ng mga datos: ang sariling karanasan at ang pagmamasid ng ibang awtoridad sa paksa. Maituturing na awtoridad ang isang tao kung siya ay dalubhasa o kilala sa kanyang larangan.
Dagli
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran. Sa ibang salita, ito'y pinaikling pakikipagdebate. Mayroon itong simula, katawan at wakas.
- Simula - inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Ginagawa rin dito ang pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu.
- Katawan - inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin. Bawat isyu ay binubuo ng mga patunay, mga katibayan o mga katwirang magpapatotoo sa manig na ipinagtatanggol.
- Wakas - ang buod ng isyungbinigyang-patunay
Pagtatanong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bahagi ng pagdedebate ang pagtatanong. Narito ang ilang paalala sa pagtatanong sa debate.
- Magtanong lamang ng mga tanong na ang sagot ay oo o hindi.
- Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ay nagtatanong. Maaaksaya ang iyong oras ng pagtatanong.
- Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat ipaalam sa tagapangasiwa ng pagdedebate.
Panunuligsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]May panunuligsa (rebuttal) din sa debate. Narito ang mga dapat tandaan sa panunuligsa.
- Ilahad ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
- Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
- Ipaliwanag ang kahinaan ng katibayan ng kalaban.
- Ipaalam kung labas sa buod ang katwiran o katibayan ng kalaban.
- Magtapos sa pagbubuod ng sariling katwiran at katibayan.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hustisya o katarungan
- Hudikatura
- Justification (paglilimbag)
- Justification (teolohiya)
- Balagtasan
- FlipTop
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Pinagkukunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 82-83
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.