Paninisi
Itsura
Ang paninisi ay ang pamumuna, pagbigay ng pananagutan, at paglikha ng mga nakakasirang pahayag sa isang indibiduwal o pangkat para sa kanilang gawain na hindi katanggap-tanggap ng lipunan o moralidad. Ito ay kabaligtaran ng pagpuri. Kapag ang isang tao ay panangutan sa paggawa ng isang bagay na mali, ang kanilang ginawa ay dapat sisihin. Sa kabaligtaran kapag may panangutan ang isang tao sa paggawa ng isang mabuting bagay, siya ay maipagkakapuri. Mayroong mga ibang saysay ng pagpuri at paninisi na hindi magkaugnay sa larangang etikal. Maaring purihin ang isa ang magandang pananamit ng isa habang sinisi ang pangit na panahon sa pagkalanta ng mga halamang pang-ani.