Panitikan sa Indiya
Ang Panitikang Indiyano o Panitikan sa Indiya ay tumutukoy sa panitikang nagawa sa subkontinente ng Indiya hanggang 1947 at sa Republika ng Indiya pagkaraan ng taong ito. Ang Republika ng Indiya ay may 22 opisyal na kinikilalang mga wika. Ang pinakamaagang mga gawa ng panitikang Indiyano ay ipinasa sa pamamagitan ng bukambibig. Nagsimula ang panitikang Sanskrit sa Rig Veda, isang kalipunan ng banal na mga himno na pumepetsa sa kapanahunang 1500–1200 BKE. Lumitaw ang mga epikong Sanskrit na Ramayana at Mahabharata papunta sa hulihan ng unang milenyo BKE. Lumaganap ang panitikan ng Klasikong Sanskirt noong unang ilang mga daantaon ng unang milenyo KE, gayun din ang panitikang Tamil, Sangam, at Kanon ng Pāli.
Sa panahong midyibal, lumitaw ang panitikang Kannada at Telugu noong ika-9 at ika-11 mga daangtaon ayon sa pagkakasunud-sunod ng dalawa.[1] Sa paglaon, nagsimula ring lumitawa ang panitikan sa mga wikang Marathi, Bengali, sari-saring mga diyalekto ng Hindi, Persa, at Urdu. Sa kaagahan ng ika-20 daangtaon, ang makatang Bengali na si Rabindranath Tagore ang nagging laureado ng Nobel mula sa Indiya. Sa kontemporaryong panitikang Indiyano, may dalawang pangunahing gantimpalang pampanitikan; ito ang Kapatirang Sahitya Akademi at ang Gantimpalang Jnanpith. Pitong mga gantimpalang Jnanpith bawat isa ang iginawad sa wikang Hindi at Kannada, na sinundan ng limang sa Bengali, apat sa Malayam at tatlo sa Gujarati, Marathi, at Urdu.[2][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Encyclopædia Britannica, 2008. Sipi: "Ang pinakamaagang akdang pampanitikan ay ang Kavirajamarga (sa loob ng AD 850), isang pormal na sulatin ukol sa panulaan na batay sa huwarang Sanskrit."
- ↑ "Detalye ng mga ginawaran para sa Gantimpalang Jnanpith". Opisyal na websayt ng Bharatiya Jnanpith. Bharatiya Jnanpith. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-13. Nakuha noong 2007-06-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-13 sa Wayback Machine. - ↑ "Gagantimpalaan ng Jnanpith si Kunwar Narayan". Times of India. 24 Nobyembre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-05. Nakuha noong 2008-11-25.
{{cite news}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)