Pumunta sa nilalaman

Para sa Hopeless Romantic

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa Hopeless Romantic
DirektorAndoy Ranay
PrinodyusCharo Santos-Concio
Malou N. Santos
Vic Del Rosario Jr
SumulatMarcelo Santos III[1]
(nobela)
IskripMel Mendoza-Del Rosario
Mary Rose Colindres
Ibinase saPara sa Hopeless Romantic ni Marcelo Santos III
Itinatampok sina
MusikaMyke Salomon
SinematograpiyaPao Orendain
In-edit niCarlo Francisco Manatad
Produksiyon
TagapamahagiStar Cinema
Viva Films
Inilabas noong
  • 13 Mayo 2015 (2015-05-13)
BansaPilipinas
Wika
  • Ingles
  • Filipino
KitaPhp 50,819,669 ($1,141,502)[2]

Ang Para sa Hopeless Romantic ay isang Pilipinong pelikulang romantikong pangkabataan batay sa pinakamabiling romantikong nobela na may katulad na pamagat ni Marcelo Santos III. Ang pelikula'y sa direksiyon ni Andoy Ranay, at pinangungunahan nina James Reid, Nadine Lustre, Julia Barretto at Iñigo Pascual. Ito ay pinamahalaan ng Viva Films at Star Cinema at inilabas noong 13 Mayo 2015, sa mga sinehan sa buong bansa.

Inisip ni Becca (Nadine Lustre) na nasa kanya na ang lahat ng nais niya sa buhay, hanggang sa isang araw ay nakipaghiwalay sa kanya ang kasintahan niyang si Nikko (James Reid). Mula roon, nagsimulang bumagsak ang lahat ng mga pangarap niya. Upang makabangon, nagsimula siyang sumulat ng kuwento tungkol kay Ryan (Iñigo Pascual), isang estudyanteng may lihim na pagtingin sa kanyang kaklaseng si Maria (Julia Barretto). Subalit bago pa man niya masabi ang tunay niyang nararamdaman, naaksidente siya at nakoma. Matagpuan kaya ng apat ang "masayang katapusan" (happy ending) ng kani-kanilang mga kuwento na kanilang inaasam?

Mga pangunahing tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Nadine Lustre bilang Rebecca "Becca" Del Mundo
  • James Reid bilang Nikko John Borja
  • Julia Barretto bilang Maria
  • Iñigo Pascual bilang Ryan

Mga katuwang na tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Aj Muhlach bilang RJ
  • Shy Carlos bilang Jackie Reyes
  • Jackie Lou Blanco bilang ina ni Nikko
  • Teresa Loyzaga bilang ina ni Becca
  • Lander Vera Perez bilang ama ni Becca
  • Cherie Gil bilang guro sa Accounting
  • Paul Jake Castillo bilang Manedyer
  • Donnalyn Bartolome
  • Issa Pressman bilang dating kaklase ni Becca
  • Arvic Rivero
  • Jourdaine Castillo bilang Faye (dating kasintahan ni Nikko)

Nabago nang ilang ulit ang nakatakdang petsa ng paglalabas ng pelikula. Orihinal itong nakatakdang ipalabas noong Enero 2015, pagkatapos ay nausog ito patungong Marso 2015. Sa huli'y nagpasiya ang Star Cinema na baguhin ang nakatakdang petsa at ipinalabas ito sa wakas noong 13 Mayo 2015.

Pagtanggap sa pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagsusuri ng mga kritiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakatanggap ang Para sa Hopeless Romantic ng magkakaibang puna mula sa mga kritiko ng mga pelikula.

Tinawag ni Oggs Cruz ng Rappler ang pelikula bilang "disente, hindi mapanakit, at tunay na mapang-unawa," at tinukoy na ang pelikula'y hindi gaanong masalimuot at tunay na nakaangkla sa realidad, na siyang nagbibigay-kaibhan sa ibang romantikong pelikula. Ayon kay Cruz, "Marahil ang pinakakapansin-pansing bagay hinggil sa Para sa Hopeless Romantic ay ang pakiramdam nito na tunay na sumasalamin sa realidad. Habang ang ibang romantikong pelikula'y tila nakakahon sa isang alternatibong Pilipinas kung saan lahat ay makulay at masigla, at nagbibigay sa mga tauhan nila ng mga dahilan upang ituon ang sarili sa pag-ibig sa halip na sa ibang bagay, ang pelikula ni Ranay ay nakalapat sa mundong higit na pamilyar at nararamdaman.[3]

Pinuri rin ni Cruz ang pagganap ng pangunahing aktres na si Nadine Lustre, na pumansin sa pagiging taos-puso nito sa pagganap kay Becca, na nagsabing "Nagagawa ni Lustre na pagalawin ang karakter na taglay ang tila walang-saysay niyang paghihirap. Namimighati siya dahil hindi niya magawang makabangon, na umaabot sa puntong lumilikha siya ng mga mabalasik na mga kuwento hinggil sa kawalang-halaga ng pag-ibig. Nananangis siya nang taos-puso at may mataas na pagpupunyagi, at humahagikgik siya nang may kasiglahan nang nakaharap niya ang pagkakataong makahanap ng bagong pag-ibig sa pamamagitan ng nabuong usapan sa upuan."[3]

Samantala, nagbigay naman si Philbert Ortiz-Dy ng Click the City ng mabagsik na puna sa pelikula, na nagsabing ang Para sa Hopeless Romantic ay tunay na walang pag-asa.[4] Dagdag pa niya, "At ganun na nga, ang kuwento'y tungkol lamang sa paghihintay sa dalawang tao para magkabalikan, kahit na hindi naman talaga malinaw kung bakit nga ba dapat maging sila. Walang gaanong dahilan upang abangan ang resulta nito. Hindi rin gaanong namuhunan ang pelikula sa kanilang kasiyahan bilang magkapareha. Ginamit ng pelikula ang tadhana upang mailayo ito sa kakulangan ng aktuwal na pag-usad ng istorya."[4] Dagdag na tweet pa ni Dy, ang pelikula ay "walang pag-asa, oo, romantiko, hindi."

Ayon kay Rod Magaru, ang pelikula ay malaki ang kinita na ipinrodyus ng Viva at itinaguyod ng Star Cinema,[5] na kumita ng ₱8 milyon sa unang araw nito ayon sa tweet ni Mico del Rosario ng Star Cinema Ad Promo.

Sa dalawang linggong pagpapalabas ng pelikula'y kumita ito ng mahigit ₱50 milyon o $1.14 milyon sa takilya, ayon sa Box Office Mojo.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Marcelo Santos III". Wattpad. Nakuha noong Mayo 16, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "PHILIPPINES Weekend Box Office: Para sa Hopeless Romantic". Box Office Mojo. Nakuha noong 19 Mar 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Cruz, Oggs. "'Para Sa Hopeless Romantic' Review: Decent, harmless and perceptive". Rappler. Nakuha noong 30 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Philber Ortiz-Dy (Mayo 14, 2015). "Para Sa Hopeless Romantic is Mainly Hopeless". Click the City. Nakuha noong Mayo 15, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  5. Rod Magaru. "'(MOVIE) "Hopeless Romantic" is one of Star-Viva's lowest Opening Box Office'".

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]