Pumunta sa nilalaman

Partikula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa mga agham pisikal, ang isang partikula(o corpuskulo sa mas lumang teksto) ay isang maliit na nakalokal na bagay na maaring isalarawan sa pamamagitan ng ilang katangiang pisikal o kimikal, tulad ng bolyum, densidad, o masa.[1][2] Malaki ang pagkakaiba-iba nila sa laki at dami, mula sa mga partikulang subatomiko tulad ng elektron, hanggang sa mga partikulang mikroskopiko tulad ng mga atomo at molekula, hanggang sa partikulang makroskopiko tulad ng mga pulbo at butil-butil na mga materyal. Maaring gamitin ang mga partikula upang makagawa ng modelong siyentipiko ng mas malaking bagay depende sa kanilang densidad, tulad ng tao na gumagalaw sa karamihan o bagay sa kalawakan na gumagalaw.

Pangkalahatan sa halip ang katawagang partikula sa kahulugan, at pinipino ayon sa pangangailangan ng iba't ibang larangang siyentipiko. Anuman na binubuo ng mga partikula ay maaring tukuyin bilang na partikulado.[3] Bagaman, ang pangngalang partikulado ay pinakakaraniwang tumutukoy sa mga pollutant o kontaminante sa atmospera ng Daigdig, na mga suspensyon ng di-konektadong mga partikula, sa halip na isang nakakonektang agregado.

Mga katangiang konseptuwal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kadalasang kinakatawan ang mga partikula bilang mga tuldok. Maaring katawanin ng pigurang ito ang galaw ng mga atomo sa isang gas, mga tao sa karamihan o mga bituin sa kalangitan tuwing gabi.

Partikular na kapaki-pakinabang ang konsepto ng partikula kapag nagmomodelo ng kalikasan, bilang buong pagtrato ng maraming di-pangkaraniwang bagay na maaring komplikado at napapabilang din ang mahirap na komputasyon.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Particle". AMS Glossary (sa wikang Ingles). American Meteorological Society. Nakuha noong 2015-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Particle". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-Ikatlong (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. T. W. Lambe; R. V. Whitman (1969). Soil Mechanics (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. p. 18. ISBN 978-0-471-51192-2. The word 'particulate' means 'of or pertaining to a system of particles'.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. F. W. Sears; M. W. Zemansky (1964). "Equilibrium of a Particle". University Physics (sa wikang Ingles) (ika-Ika-3 (na) edisyon). Addison-Wesley. pp. 26–27. LCCN 63015265.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)