Patakaran sa kapaligiran
Ang patakaran sa kapaligiran ay anumang panukala ng isang organisasyon o pamahalaan na naglalayong maiwasan o mabawasan ang mga nakakapinsalang epekto ng mga aktibidad ng tao sa kapaligiran. Tinutugunan nito ang iba’t ibang mga isyu sa kapaligiran, katulad ng polusyon sa hangin at tubig, pamamahala ng basura, pamamahala ng ekosistema, pagpapanatili ng biodiversity, pamamahala ng likas na yaman, wildlife at mga espesye na nanggaganib na mawala ng tuluyan.[1]
Depinisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang terminong “patakaran sa kapaligiran” ay maaaring mahati sa dalawang bahagi: kapaligiran at patakaran. Ang kapaligiran ay tumutukoy sa mga pisikal na ekosistema, ngunit maaari ding isaalang-alang ang dimensyong panlipunan (kalidad ng buhay, kalusugan) at ang dimensyong pang-ekonomiya (pamamahala ng yaman, biodiversity).[2] Ang patakaran naman ay isang "kurso ng aksyon o prinsipyong ipinagtibay o iminungkahi ng isang gobyerno, partido, negosyo o indibidwal".[3] Samakatuwid, ang patakaran sa kapaligiran ay tumutugon sa mga problemang nagmumula sa epekto ng tao sa kapaligiran, na may posibleng (negatibong) epekto sa mga halagang pantao – tulad ng mabuting kalusugan o ang 'malinis at green' na kapaligiran.
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Eccleston, Charles H. (2010). Global Environmental Policy: Concepts, Principles, and Practice. ISBN 978-1439847664.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bührs, Ton; Bartlett, Robert V (1991). Environmental Policy in New Zealand. The Politics of Clean and Green. Oxford University Press. p. 9.
- ↑ Concise Oxford Dictionary, 1995.
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- GreenWill Pandaigdigang inisiyatibang hindi pangkalakalan na nag-aalok ng mga libreng patakaran sa kapaligiran ("Green Policy") sa buong mundo