Pearl Bailey
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Enero 2014) |
Si Pearl Mae Bailey (29 Marso 1918 – 17 Agosto 1990) ay isang Aprikanong Amerikanong mang-aawit at aktres. Matapos na lumitaw sa bodabil, nagsimula siya sa tanghalan ng Broadway sa St. Louis Woman noong 1946.[1] Nagwagi siya ng isang Gantimpalang Tony para sa pangunahing gampanin sa produksiyong may tugtugin ng Hello, Dolly! na puro mga itim ang mga tauhan pang-entablado noong 1968. Noong 1986, nananalo siya ng Gantimpalang Daytime Emmy ("Pang-araw [na palabas] na Emmy") para sa kanyang pagganap bilang isang diwatang ninang sa Cindy Eller: A Modern Fairy Tale ng estasyong ABC, na isang espesyal na palabas na pambata pagkalipas ng oras ng pagpasok sa eskuwela. Umabot sa pinakamataas na sampu ang kanyang rendisyon ng awiting "Takes Two to Tango" noong 1952.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kenrick, John. Musicals 101.com Who's Who in Musicals:Sa-Sm. Nakuha noong 18 Marso 2007.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.