Pumunta sa nilalaman

Penomenong phi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Penomenang phi)
Isang demonstrasyon sa naturang penomeno gamit ang dalawang itim na parihaba. Makikita na parang may mabilis na gumagalaw na kung ano na panandaliang humaharang sa dalawang parihaba. (SOA = 102 ms, ISI = −51 ms)

Sa pinakasimpleng kahulugan, ang penomenong phi (alt. penomenang phi)[a] ay ang ilusyon ng paggalaw na nakikita o naoobserbahan kung may dalawang magkalapit na bagay ang ipinapakita nang may kabilisan. Kumpara sa paggalaw na beta, na tumutukoy naman sa parehong ilusyon ngunit may kabagalan, ang mga bagay na ito ay hindi gumagalaw (hindi umaalis sa puwesto). May nakikitang nakakalat at mala-aninong bagay na walang hugis na "tumatalon" sa mga bagay at panandaliang humaharang sa mga ito. Parehas ang kulay ng "aninong" ito sa kulay ng likuran.[1] Una itong inilarawan ni Max Wertheimer sa kanyang tisis noong 1912.[2]

Ang penomenong ito, pati ng paggalaw na beta, ay ang itinuturong dahilan kung bakit "gumagalaw" ang mga larawan sa pelikula at animasyon.[3] Ginamit ni Wertheimer ang katagang "φ-Phänomen" (penomenong φ) para tukuyin ang lahat ng klase ng ilusyon ng paggalaw sa kanyang tisis noong 1912, kung saan tinawag niya ang paggalaw na walang bagay bilang mga "reines φ." (purong φ).[b][2] Gayunpaman, itinuturing ng ilang mga komentarista na rinereserba niya ang Griyegong titik na φ para sa paggalaw na "puro at walang bagay."[4][5]

  1. Ang salitang penomeno ay galing sa Kastila na fenomeno (panlalaki). Bagamat ito ang tamang salin, mas malimit ginagamit sa natural na diskurso ang salitang penomena, na galing naman sa Ingles na phenomena, ang maramihang anyo (plural form) ng phenomenon.
  2. Orihinal na teksto: Auch bei wirklicher Bewegung ist sehr oft nicht das raum-zeit-kontinuierliche der visuellen Zwischenlagen, sondern ein reines φ-Phänomen gegeben: man sieht z. [Kahit sa totoong paggalaw, ang tuloy-tuloy na oras-espasyo (spacetime) ay ang mga biswal na patong (layer) malapit rito, ngunit sa purong penomenong φ, nakikita ang [aksis na] z.]
  1. Vebjørn Ekroll; Franz Faul; Jürgen Golz (Abril 2008). "Classification of apparent motion percepts based on temporal factors" [Pagpapangkat ng ilusyon ng nakikitang galaw base sa mga salik na temporal]. Journal of Vision (sa wikang Ingles). 8 (31). doi:10.1167/8.4.31. Nakuha noong Disyembre 22, 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 Wertheimer, Max (1912). Experimentelle Studien über das Sehen von Bewegung [Eksperimental na Pag-aaral tungkol sa Pagtingin sa Galaw] (PDF). Zeitschrift für Psychologie (Tisis) (sa wikang Aleman). Bol. 61. Leipzig, Alemanya. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Nobiyembre 23, 2018. Nakuha noong Disyembre 22, 2020. {{cite thesis}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. Blassnigg, Martha (2010). Time, Memory, Consciousness and the Cinema Experience: Revisiting Ideas on Matter and Spirit [Oras, Alaala, Konsensiya at ang Karanasan sa Sinehan: Muling Pagbisita sa mga Ideya tungkol sa Bagay at Kaluluwa] (sa wikang Ingles). Amsterdam, Olanda/ New York, Estados Unidos.: Edision Rodopi. ISBN 90-420-2640-5. Nakuha noong Disyembre 22, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Boring, Edwin G. (1949). Sensation And Perception In The History Of Experimental Psychology [Pakiramdam at Pagtingin sa Kasaysayan ng Eksperimental na Sikolohiya] (sa wikang Ingles). New York, Estados Unidos: Appleton-Century-Crofts. pp. 595. Nakuha noong Disyembre 22, 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sekuler, Robert (1996). "Motion Perception: A Modern View of Wertheimer's 1912 Monograph" [Pagtingin sa Galaw: Isang Modernong Pananaw sa Monograpo noong 1912 ni Wertheimer]. Perception (sa wikang Ingles). 25 (10): 1243–1258. doi:10.1068/p251243. ISSN 0301-0066. PMID 9027927.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)