Pumunta sa nilalaman

Lutuing Peranakan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Peranakan cuisine)
Manok at keluak

Nanggaling ang lutuing Peranakan o lutuing Nyonya mula sa mga Peranakan, mga inapo ng mga sinaunang Tsinong imigrante na nagsipamayan sa Penang, Malacca, Singapura at Indonesya at nakipag-asawa sa mga lokal na Malay. Sa Baba Malay, kilala ang babaeng Peranakan bilang nonya (o nyonya), at kilala ang lalaking Peranakan bilang baba. Pinagsasama ang Tsino, Malay, Habanes, Timog Indiyano, at mga iba pang impluwensiya sa lutuing ito.

Ang lutuing Nyonya ay resulta ng paghahalo ng mga Tsinong sangkap sa mga samu't saring espesya at paraan ng pagluluto na ginagamit ng mga Malay/Indones na komunidad. Nagbubunga ito ng mga interpretasyong Peranakan ng mga pagkaing Malay/Indones na may kahawig na sigid, aroma, anghang at yerba. Sa ibang pagkakataon naman, ikinapit ng mga Peranakan ang lutuing Malay bilang bahagi ng kanilang panlasa,[1] kagaya ng isdang assam at bakang rendang. Kabilang sa mga pangunahing sangkap ang gata, galangal (isang banayad, amoy-mustasang rhizome kagaya ng luya), lumbang bilang pampalasa at pampalapot, dahong panlaksa, dahon ng pandan, belachan, katas ng sampalok, tanglad, usbong ng torch ginger, singkamas, mabangong dahon ng kabuyaw, at cincalok – isang matapang, maasim at maalat na kondimentong salig-hipon na kadalasang hinahalo sa katas ng dayap, sili at lasona at sinasabayan ng kanin at iba pang mga pamutat.

May mga baryante ayon sa rehiyon sa lutuing Nyonya. May impluwensiyang Thai ang mga ulam mula sa pulo ng Penang sa hilagang bahagi ng Tangway ng Malaysia, kagaya ng madalas na paggamit ng sampalok at iba pang mga maasim na sangkap. Mas malakas ang impluwensiyang Indones sa mga ulam mula sa Singapura at Malacca, kagaya ng paggamit ng gata. Isang tipikal na halimbawa ang laksa (isang maanghang na sinabawang pansit), na may dalawang baryante: ang maasim na asam laksa mula sa Penang at ang salig-gatang laksa lemak mula sa Singapura at mga timugang rehiyon ng Tangway ng Malaysia.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wong, Daniel (17 Mayo 2022). "Peranakan Foods: Famous Dishes, Restaurants in Singapore, & Recipes" [Mga Pagkaing Peranakan: Mga Sikat na Ulam, Restawran sa Singapore, & Resipi]. Truly Singapore (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)