Gata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang gata (wikang Ingles: coconut milk, coconut sauce[1]) ay ang gatas ng buko. Hindi ito ang katas na tubig ng buko na nakukuha sa loob ng bao ng buko. Nakukuha ang gata sa pamamagitan ng paggadgad ng pinung-pino ng mga laman ng buko, pagkatapos ay pipisain ng mga palad hanggang sa makuha ang katas (ang gata). Makukuha rin ang gata sa pamamagitan ng aparatong panggiling (blender).[2] Malimit na ginagamit ang gata sa pagluluto ng mga pagkaing ginatan o ginataan, maging bilang pamalit sa katas ng mani sa kari-kare.[1]

Katas[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinatawag ang unang katas na gata ng niyog na kakanggata.[3] Nagmula ang salitang ito sa pagtatambal ng mga salitang kaka at gata. Ito ang hindi pa nababantuan o nalalagnawang gatang nakukuha sa laman ng niyog.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Petilla, Alexandra (1998-1998 Edition). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan (publisher), Spindle Publishing Company, at AT&T (sponsor). Unknown parameter |coauthors= ignored (|author= suggested) (tulong); Check date values in: |year= (tulong); External link in |publisher=, |title= (tulong)
  2. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Gata". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
  3. "Kakanggata". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.