Perpektong kumpetisyon
Ang perpektong kumpetisyon ay isang uri ng kumpetisyon na kadalasan isinasangguni sa larangan ng Ekonomika. Ang isang industriya ay kadalasang hindi perpekto pagdating sa pangkumpetisyion na katangian. Malamang din na hindi tayo makakaobserba ng isang industriyang perpekto ang kumpetisyon dahil sa mga pagpapalagay na ipinapataw sa operasiyon ng ganitong merkado.
Mga Pagpapalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. Ang bawat kompanya ang maliit lamang. Sa ganito, maliit lamang ang hati niya sa produksiyon ng buong industriya at hindi kaya ng isang kompnaya magdikta ng mga presyo. Sa ganun din, maraming kompanya ang nasa loob ng industriya.
2. Kinakailangan ang malayang pagpasok at pag-alis ng mga kompanya sa industriya.
3. Ang binebentang produkto nga mga kompanya sa perpektong kumpetisyon ay magkaiba. (walang pagkaparehas) 4. Perpekto ang impormasyon na natatanggap ng mga mamimili at ng mga kompanya.
Mga Katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang perpektong kumpetisyon ay mayroon pagkalastiko na perpektong elastiko. Ang ibig sabihin nito ay hindi na maaaring gumalaw sa presyong binigay ng industriya dahil kapag nagdagdag ang isang kompanya ng presyo, lahat ng mamimili ay lilipat sa ibang mga kompanya. At dahil parepareho ang ibinebentang kagamitan, walang dahilan para hindi nalang lumipat ang mamimili.
Sa panandalian, ang isang merkadong perpektong kumpetisyon ay tulad lamang ng lahat ng merkadong pang-ekonomika: sila ay sinusubukang maabot ang pinakamataas na kita. Para sa perpektong kumpetisyon, ito ay kung saan pantay ang pagpupuno at ang pangangailangan.
Pagsusuri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang perpektong kumpetisyon ay tinatalakay parin kahit na hindi malamang magkaroon ng ganitong uri ng merkado. Sinusuri parin ang perpektong kumpetisyon dahil sa ganitong instrumento lang natin pinakaepektibong mahuhulaan ang mga maaaring mangyari sa ekonomiya (presyo at produksiyon) kung ang mga pagpapalagay sa itaas ay mananatili (kahit hindi eksakto) sa katagalan.
Ang perpektong kompetisyon ay isa lamang sa mga merkado sa ekonomika ngunit ito ay ang pinakasimple at pinakamalawak ang gamit.
Ang ibang mga istruktura ay ang monopoliya, oligopoliya at monopoliyang kumpetisyon.