Pumunta sa nilalaman

Perpetua

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Monotype Perpetua
KategoryaSerif
Mga nagdisenyoEric Gill
FoundryMonotype Corporation
Petsa ng pagkalabas1929-32
Mga baryasyonPerpetua Titling

Ang Perpetua ay isang serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ng Ingles na manlililok at kantero na si Eric Gill para sa Briton na kompanya ng tipo na Monotype Corporation. Kinomisyon ang paggawa ng Perpetua sa kahilingan ni Stanley Morison, isang maimpluwensyang dalubhasa sa kasaysayan ng imprenta at tagapayo sa Monotype noong mga 1925, ang mga panahon na ang reputasyon ni Gill bilang isang nangungunang alagad ng sining ay mataas.[1] Karaniwang ginagamit ang Perpetua para sa mga pabalat at pamagat at minsan din sa katawang teksto; partikular naging sikat ito sa paglilimbag ng pinong aklat.[2][3][4] Nailabas ang Perpetua na may mga karakter para sa alpabetong Griyego at isang katambal na pangkat ng kapital para sa pagpapamagat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Brewer, Roy (1973). Eric Gill: The Man Who Loved Letters (sa wikang Ingles).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Simon Loxley (12 Hunyo 2006). Type: The Secret History of Letters (sa wikang Ingles). I.B.Tauris. pp. 162–4. ISBN 978-1-84511-028-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tony Seddon (16 Agosto 2016). Essential Type: An Illustrated Guide to Understanding and Using Typography (sa wikang Ingles). Yale University Press. pp. 118–9. ISBN 978-0-300-22237-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Perpetua". Microsoft Typography (sa wikang Ingles). Microsoft. Nakuha noong 12 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)