Pumunta sa nilalaman

Mamamahayag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Peryodista)
Isang taga-ulat sa telebisyon na hawak ang isang mikropono sa harap ng cameraman.

Ang peryodista o mamamahayag ay isang tao na nagtitipon, nagsusulat at namamahagi ng balita o iba pang kasalukuyang impormasyon. Ang trabaho ng isang mamamahayag ay tinutukoy na peryodismo. Ang isang peryodista ay maaaring magtrabaho sa mga pangkalahatang isyu o natatanging isyu ngunit karamihan sa kanila ay nagiging espesyalista na nakikipag-ugnyana, at kasama ang iba pang peryodista, ay gumagawa ng mga pamahayagan na may iba't-ibang paksa. Isang halimbawa ay ang isang mamamahayag sa palakasan na namamahayag ng balita sa mundo ng palakasan ngunit itong peryodista ay bahagi pala ng isang pahayagan na sakop ang iba't-ibang klase ng balita.

Ang tagapagbalita o taga-ulat ay isang uri ng peryodista na nananaliksik, nagsusulat, at nag-uulat ng impormasyon para ipakita sa mga batayan, gamitin sa mga panayam, pang-akit sa pananaliksik, at pagsulat ng mga ulat. Ang pagkuha ng impormasyon na kasama sa trabaho ng peryodista ay minsan din tinatawag na "pag-uulat" na kabaliktaran naman ng bahagi ng trabaho na pagsusulat naman ng artikulo. Nahahati rin ang oras nila sa pagtrabaho sa loob ng newsroom o silid-balitaan at sa pag-ulat ng mga balita sa labas o pakikipanayam sa mga tao. Sila rin ay nabibigyan ng isang tiyak na lugar na kanilang uulatan.

Depende sa konteksto, ang salitang mamamahayag ay maaari rin sakop ang iba't-ibang uri ng patnugot, manunulat ng editoryal, kolumnista at mga biswal na peryodista gaya ng mga photojournalists o mga peryodista na ginagamit ang pagkuha ng larawan sa kanilang larangan.