Pamamatnugot

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Patnugot)
Jump to navigation Jump to search

Ang pamamatnugot ay ang proseso ng pagpili at paghahanda ng wika, mga larawan o imahen, tunog, bidyo, o pelikula sa pamamagitan ng mga proseso ng pagtatama o pagwawasto, organisasyon, at iba pang mga modipikasyon o pagbabago sa sari-saring mga midya. Tinatawag na patnugot o editor ang isang taong namamatnugot. Sa isang diwa, nagmumula ang proseso ng pamamatnugot sa ideya para sa mismong akda at nagpapatuloy sa ugnayang nasa pagitan ng may-akda at ng patnugot. Sa gayon, isa ring pagsasagawa ang pamamatnugot na kinabibilangan ng malikhaing mga kasanayan, ugnayang pantao, at isang malinaw o tumpak na pangkat ng mga metodo o kaparaanan.[1][2] Sa larangan ng pamamahayag, ang patnugot ay isang tagasulat ng pangulong tudling o editoryal. Maaari rin itong tumukoy sa isang kasangkapang pamutol o pang-edit ng pelikula.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Salin ng kahulugang pangtalahuluganan ng Encarta para sa "editing"". Sininop mula sa orihinal noong 2009-10-31.
  2. "Kahulugan mula sa talahuluganang Encarta para sa "editor"". Sininop mula sa orihinal noong 2009-10-31.
  3. Gaboy, Luciano L. Editor - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.