Phebe Ann Coffin Hannaford
Itsura
Phebe Ann Coffin Hanaford | |
---|---|
Kapanganakan | Phebe Ann Coffin 6 Mayo 1829 Siasconset, Massachusetts |
Kamatayan | 2 Hunyo 1921 | (edad 92)
Nasyonalidad | Amerikano |
Ibang pangalan | Phebe Ann Hanaford |
Trabaho | ministro at manunulat |
Si Phebe Ann Coffin Hanaford (Mayo 6, 1829 — Hunyo 2, 1921) ay isang Kristiyanong ministro ng Universalist Church of America at isang mananalambuhay na naging aktibo sa pagsulong ng unibersal na karapatan sa pagboto at mga karapatan ng kababaihan. Siya ang kauna-unahang babae na naordinahan bilang isang ministro ng simbahang Universalist sa Bagong Inglatera at ang unang babae na nagsilbi bilang kapelyan sa lehislatura ng estado ng Connecticut.