Philippine All Stars
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Agosto 2011) |
Ang Philippine All Stars ay isang grupo na sumasayaw ng hip-hop na mula sa Pilipinas. Nanalo sila sa 2006 at 2008 World Hip Hop Dance Championships.[1] Sila ay nabuo noong 2005 mula sa labindalawang indibidwal na nagtratrabaho sa Manila underground Hip-hop scene.[2] Sumali rin sila sa “Artists Revolution: 365 days to change”, isang kampanyang nananawag sa mga Pilipinong botante na maging mas kritikal sa pagpili ng kanilang mga pinuno sa darating na 2010 elections.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang artikulo o seksiyon ay walang pagbabanggit ng pinagkunan o nangangailangan ng mga tala. Ang paggamit ng pagbanggit na nasa talataan ay nakakatulong sa pagbabantay laban sa mga paglabag sa karapatang-kopya at mga pagsablay mula sa katotohanan. (Agosto 2011) |
Ang Philippine All Stars ay binuo noong 2005 ng apat na magkakaibigang ginustong katawanin ang bansa sa World Hip-Hop Championships na ginanap sa US. Ito ay matapos nilang makamit ang unang gantimpala sa Maximum Groovity II, National Hip-Hop Open. Sila'y nagtagumpay bilang pang-anim na gantimpala sa World Hip Hop Championship. Ang All Stars ay nagpasikat sa Pilipinas ng larangan ng hip-hop, at naging unang grupo mula sa Asya na nanalong back-to-back World Gold titles sa International Hip-Hop Open d’Ítalia sa Turin, Italy at sa World Hip-Hop Dance Championships sa Los Angeles, California. Sa sumunod na taon, nakamit ng grupo ang Bronze sa kompetisyong iyon at nanalo ring "Team of the Year" sa V.Ent’s First Annual Dance Awards. Ngayon sa 2008, malakas silang bumalik at nakuha ang Gintong gantimpala sa World Hip-Hop Dance Championships na ginanap sa Las Vegas, Nevada.
Nilalayon ng grupo na ipabuti ang istado ng mga mananayaw sa Pilipinas, dahil napatagal na ang pagtrato sa kanila bilang segunda klaseng tagapalabas. Sa pagsisikap nila at ng iba pang talentado, nais nilang ipakita na ang pagsayaw ay isang mahusay na anyo ng sining at nararapat na mas galangin at gantimpalaan kaysa sa kasalukuyang ibinibigay ng industriya ng pag-aliw. Sila ay nakikibahagi sa isang kilusang nagsusumikap na mapagsama at magsilbing inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon sa pamamagitan ng Pananampalataya, Hip-Hop, at Isang Pag-Ibig (One Love). Panghuli, isa pang layunin ng grupo ay makapagturo at makatulong sa mga batang nangangailangan sa pamamagitan ng pagsayaw at sa pagiging inspirasyon sa kanila upang sila ay magsikap na makamit ang mas higit pa sa kanilang nasabing kakayanan. Ang Allstars ay sumusuporta sa Gawad Kalinga, sila’y nakapagturo sa mga outreach programs ng US Embassy tulad ng Pathways Workshop at Walk for Education. Ang Allstars ay naitampok na sa maraming kaganapan, konsiyerto, mga tour, paglabas sa telebisyon, patalastas, music videos, pelikula, at mga print ad.
Noong Pebrero 2010, nagbukas sila ng paaralan, ang Allstars Dance School sa lungsod ng San Juan, Pilipinas. Ang paaralan na ito ang kanilang pinakamalaking tagumpay para sa kanila ngayon.
Mga Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa mga patakaran ng Wikipedia, iwasan ang mga bahaging naglalaman ng tribya lamang. Mapapabuti ang artikulong ito sa paglalakip ng mga mahahalagang bagay, at pag-aalis ng mga di-katanggap-tanggap. (Agosto 2011) |
- 2011 Gold, Dance2Dance, Switzerland[4]
- 2009 Grand Champions, Malta Guiness Street Dance Competition, Kenya, Africa
- 2009 1st Runner Up, UDO World Street Dancing Championships, Blackpool, United Kingdom
- 2008 Gold, World Hip Hop Championships, Las Vegas, Nevada
- 2007 Bronze, World Hip Hop Championships, Los Angeles, California
- 2006 Gold, World Hip Hop Championships, Los Angeles, California
- 2006 Gold, International Hip Hop Open d' Italia, Turin Italy
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Marquez, Mat. "Philippine AllStars: Hip-Hop's New Bloom". Risen Magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-06. Nakuha noong 2009-06-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jojo, DJ Mojo (2008-07-28). "Mojo:lations All-stars set to conquer the world!". Manila Bulletin. Nakuha noong 2009-06-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Alberto, Thea (2009-05-13). "'ARTIST REVOLUTION': Belting out songs for change". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-15. Nakuha noong 2009-06-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-16. Nakuha noong 2011-08-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)