Mga Babaeng Phoenician
The Phoenician Women | |
---|---|
Isinulat ni | Euripides |
Koro | Mga Babaeng Phoenician |
Mga karakter | Jocasta Slave Antigone Polyneices Eteocles Creon Teiresias Menoeceus First Messenger Second Messenger Oedipus |
Mute | anak na babae ni Teiresias mga guwardiya mga lingkod |
Lugar na unang pinagtanghalan | Athens |
Orihinal na wika | Sinaunang Griyego |
Genre | Trahedya |
Kinalalagyan | Sa harap ng palasyo ng Hari ng Ancient Thebes (Boeotia) |
Ang mga Babaeng Phoenician (Sinaunang Griyego: Φοίνισσαι, Phoinissai) ay isang trahedya na isinulat ni Euripides batay sa parehong kuwento gaya ng dula dula ni Aeschylus na Pito Laban sa Thebes. Ang pamagat nito ay tumutukoy sa korong Griyego na binubuo ng mga babaeng Phoenician sa kanilang pagtungo sa Delphi na nabitag ng mga Thebes sa digmaan. Hindi tulad ng ibang mga dula ni Euripides, ang koro ay hindi gumagampan ng mahalagang papel sa plot ngunit kumakatawan sa inosente at neutral na mga tao na kadalasang matatagpuan sa gitnan ng mga sitwasyong digmaan. Ang patriotismo ay isang mahalagang tema dahil si Polynices ay nagsasalita ng higit tungkol sa kanyang pagmamahal sa Thebes ngunit nagdala ng hukbo upang wasakin ito. Si Creon ay napilitan ring gumawa ng pagpipilian sa pagitan ng pagliligtas ng siyudad at pagliligtas ng buhay ng kanyang anak. Ito ay isinulat ni Euripides noong mga 408 BCE sa ilalim ng impluwensiya ng malaking pagkatalo sa kanyang lupang tahanan na Athens na napilitang humarak sa isang sakunang panghukbo.