Pia Arcangel
Pia Arcangel | |
---|---|
Kapanganakan | Pia Arcangel 8 Disyembre 1978 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Ibang pangalan | Pia |
Trabaho | Tagapagbalita, taga-ulat, mamamahayag |
Aktibong taon | 2001-kasalukuyan |
Asawa | Mico Halili |
Anak | Mikey Halili |
Si Pia Arcangel (ipinanganak 8 Disyembre 1978) ay isang tagapagbalita at mamamahayag mula sa Pilipinas. Siya ang tagapagbalita sa mga pambalitang palabas ng GMA Network na Saksi at 24 Oras Weekend.
Pansariling buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Arcangel ay anak ni Clotilde N. Arcangel, Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Santo Tomas, na may lahing Kastila. Kinasal si Arcangel kay, Mico Halili na isang taga-ulat ng palakasan.[1]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula si Arcangel sa Studio 23 bilang taga-ulat at TV host. Noong 2003, napunta siya sa GMA Network. Dati siyang host ng Unang Hirit at Art Angel (kasama si Tonipet Gaba at Krystal Reyes). Sa QTV (GMA News TV na ngayon), nagbibigay siya ng balita Balitanghali (kasama si Raffy Tima).
Siya ngayon ay nagbibigay ng balita sa 24 Oras Weekend at Saksi.
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Ginampanan |
---|---|---|
2014–kasalukuyan | Saksi | Tagapagbalita |
2010–kasalukuyan | 24 Oras Weekend | Tagapagbalita |
2006–2008 | DoQmentaries | Kanyang sarili |
2006–2008 | 100% Pinoy | Host |
2006 | Pinoy Meets World "Kenya Episode" | Kanyang sarili |
2005–2014 | Balitanghali | Tagapagbalita |
2004–2010 | Art Angel | Host |
2003–2013 | Unang Hirit | Host |
2001–2003 | Breakfast Supersize | Taga-ulat |
2000 | UAAP on Studio 23 | Taga-ulat |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Pia Arcangel and Mico Halili: 10 years down, forever to go, GMA News Online, 27 Enero 2014