Pierre Gassendi
Si Pierre Gassendi (nakikilala rin bilang Pierre Gassend, Petrus Gassendi; 22 Enero 1592 – 24 Oktubre 1655) ay isang Pranses na pilosopo, pari ng Simbahang Katoliko, siyentipiko, astronomo, at matematiko. Bagaman may katungkulan sa simbahan sa timog-silangang Pransiya, naglaan din siya ng panahon sa Paris, kung saan ay dating isang pinuno ng isang pangkat ng mga intelektuwal na malaya kung mag-isip. Naging isa rin siyang masiglang siyentipikong mapagmatyag, na naglathala ng unang dato hingging sa transito ng Merkuryo noong 1631. Ang crater o hukay na lunar (nasa ibabaw ng buwan) ay ipinangalan para sa kaniya.
Nagsulat siya ng maraming mga akdang pampilosopiya, at ang ilang sa mga posisyong inakdaan niya ay itinuring na mahalaga, na nakatuklas ng daan sa pagitan ng iskeptisismo at dogmatismo. Ayon kay Richard Popkin, si Gassendi ay isa sa unang mga mapag-isip na tao na lumikha sa modernong "pananaw na makaagham", ng iskeptisismo at empirisismong may moderasyon (hindi labis). Nakipagtalo siya sa kaniyang kasabayan sa panahon na si Descartes hinggil sa pagiging maaari ng ilang mga kaalaman. Ang higit na nakikilang proyekto niyang pangkarunungan ay nagtangkang itugma o ikabit ang atomismong Epikuryano sa Kristiyanismo.