Pumunta sa nilalaman

Pilik-mata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pilik-mata

Ang pilik-mata ay isang uri ng buhok na tumutubo sa dulo ng talukap ng ating mata. Ito ay panangga laban sa mga maliliit na dumi, at katulad sa whiskers ng mga pusa at daga, ito ay sensitibo kapag hinawakan kung kaya ito ang nagbibigay babala kapag may bagay (katulad ng mga insekto o dust mites) na malapit sa mata (na kusa namang pumipikit).

Ang salitang Griyego para sa pilik-mata ay “blepharo”, na ginagamit bilang salitang ugat ng mga biyolohikal na termino gaya ng Blephara o gamu-gamo.

Ang mga pilik-mata ng isang bilig (embryo) ay nabubuo mula sa ectoderm sa pagitan ng ika-22 hanggang ika-26 na linggo ng pagbubuntis. Nagtatagal ng pito hanggang walong linggo ang pagtubo muli nito kapag nabunot ngunit ang madalas na pagbubunot nito ay magdudulot ng permanenteng pagkasira. Madalas iba ang kulay nila sa totoong kulay ng buhok sapagkat mas maitim ito sa mga taong maitim ang buhok at mas maputla sa mga taong hindi itim ang buhok.