Pumunta sa nilalaman

Pilosopiya ng agham

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pilosopiya ng agham ay ang bahagi ng pilosopiya na nagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga agham. Ang mga pilosopo na nakatuon sa agham ay nag-aaral ng kung paanong ang kaalaman ay nabubuo ng mga siyentipiko, at kung ano ang pagkakaiba ng agham mula sa iba pang mga gawain. Walang duda, ang makabagong agham ay mayroong masulong na kaalaman sa malawak na kasaklawan ng mga larangan. Upang maharap ang paksang ito, marami pang ibang mga paksang dapat ding harapin. Noong maaagang mga kapanahunan, may mga tao na nag-isip, katulad ni Thomas Henry Huxley, na ang agham ay isa lamang iniayos na sentido komun o common sense (karaniwang pagdama o karaniwang pag-iisip). Subalit habang nagpatuloy ang ika-20 daantaon, ang agham ay nakagawa ng maraming mga ideya na hindi naman katulad ng sentido komun. Naging malinaw na ang agham ay talaga palang isang bagay na naiiba mula sa kaalaman na pangsentido komun. Dahil sa hindi matukoy kung paano mapaghihiwalay ang agham at ang sentido komun, nagkaroon ng tinawag na suliranin ng demarkasyon o problema ng paghihiwalay sa dalawang ito.

PilosopiyaAgham Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.