Pilosopiya ng wika
Ang pilosopiya ng wika ay nakatuon sa apat na pangunahing mga suliranin: ang kalikasan ng kahulugan, paggamit ng wika, kognisyon ng wika, at ang ugnayan na nasa pagitan ng wika at ng katotohanan o realidad. Ngunit, para sa mga pilosopong kontinental, ang pilosopiya ng wika ay tila hinaharap, hindi bilang isang nakahiwalay na paksa, subalit bilang isang bahagi ng lohika.
Una, ang mga pilosopo ng wika ay nag-uusisa sa kalikasan ng kahulugan, at naglalayong maipaliwanag ang kahulugan ng pagkakaroon ng "kahulugan" ng isang bagay. Ang mga paksang nag-uugat ay kinabibilangan ng kalikasan ng sinonimiya (pagiging magkasingkahulugan), ang pinagmulan mismo ng kahulugan, at kung paano talagang malalaman ang anumang kahulugan. Ang isa pang proyekto sa ilalim ng pamagat na ito ng natatanging pagtutuon ng mga pilosopong analitiko ng wika ay ang pag-iimbistiga sa gawi kung paano binubuo o nabubuo ang mga pangungusap upang maging isang makahulugang kabuuan magmula sa kahulugan ng mga bahagi nito.
Pangalawa, nais nilang maunawaan kung ano ang ginagawa ng mga tagapagsalita at mga takapakinig sa loob ng komunikasyon, at kung paano ito ginagamit sa pakikipagkapuwa. Ang partikular na mga pagtutuon ay maaaring kabilangan ng mga paksang pagkatuto ng wika, paglikha ng wika, at mga akto ng pananalita.
Pangatlo, nais nilang malaman kung paano umuugnay ang wika sa mga isipan ng kapwa tagapagsalita at ng tagapagpaunawa. Isa sa pinagtutuonan ng pansin ay ang pamantayan ng matagumpay na pagsasalinwika ng mga salita papunta sa iba pang mga salita.
Bilang panghuli, sinisiyasat nila ang kung paanong ang wika at ang kahulugan ay umuugnay sa katotohanan at sa mundo. Ang mga pilosopo ay may gawi na maging mas hindi nagtutuon sa kung ano mga pangungusap ang talagang tunay, at mas marami ang sa anong mga uri ng mga kahulugan ang maaaring hindi tunay o mali. Ang isang pilosopo ng wika na makapangkatotohanan ay maaaring mag-isip kung ang isang pangungusap na walang kahulugan o walang saysay ay maaari bang maging makatotohanan o hindi, o kung ang mga pangungusap ay maaari o hindi ba maaaring makapagpahayag ng mga mungkahi hinggil sa mga bagay na hindi naman umiiral, sa halip na sa paraan ng paggamit sa mga pangungusap.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.