Pilosopiyang Tsino
Ang pinakanakikilalang mga Pilosopiyang Intsik o Pilosopiyang Tsino ay ang Confucianismo, Taoismo , at Legalismo. Naitatag ang mga ito noong Dinastiyang Zhou sa pagitan ng 500 BCE hanggang 550 BCE. Bawat isa sa mga ito ay nakadadamay sa takbo ng pamumuhay ng mga Intsik hanggang sa pangkasalukuyang panahon.
Confucianismo
[baguhin | baguhin ang wikitext](Pangunahing artikulo: Confucianismo)
Nagsimula ang Confucianismo sa pagtuturo ni Confucius noong panahon ng paglalaban ng Tsina. Saad dito ang limang bahagi ng pakikitungo sa tao: Pinuno at mga tagasunod; ama at anak; matandang kapatid at nakakabatang kapatid; asawang lalaki at asawang babae;at kaibigan sa kaibigan. Dito nakikita ang kahalagahan at pagpapahalaga ni Confucius sa pakikitungo sa kapwa upang maging mapayapa ang mga taong Tsino. Isinasabuhay hanggang ngayon ang mga pagtuturong ito.
Legalismo
[baguhin | baguhin ang wikitext](Pangunahing artikulo: Legalismo)
Isa ang Legalismo (Tsino: 法家) sa pangunahing pilosopiya ng bansang Tsina. Ibig sabihin ng Legalismo ay “paaralan ng batas”. Bukod dito, nagbibigay-diin ito sa mga batas at tuntunin na pinaiiral ng mga may kapangyarihan bilang pamantayan ng kilos ng tao. Nagmula ito sa pangunahing akda ng mga Legalista tulad ng "Aklat ng Panginoong Shang, Hand Fei-tzu at ang Kuan Tzu. Ito ang kauna-unahang pilosopiya na naging opisyal na ideolohiya ng bansa. Naniniwala ang Legalismo na tungkulin ng pinuno na tumayong nag-iisa at may lubos na kapangyarihan sa kanyang nasasakupan. Siya ang batas , awtoridad at pamantayan ng tama at mali. Naniniwalaang mga Legalista na "may higit sa isang pamamaraan ng pagpapalakad sa daidig at hindi na kailangang gayahin ang lumang nakaraan upang mapamahalaan nang maayos ang Estado". Higit na nakatataas ang tingin ng mga Legalista sa batas kaysa mabuting asal o ritwal. Ang mahalagang salik na magpapanatili sa isang organisasyon ay ang fa o batas: shih o awtoridad at kapangyarihan, at ang shu o ang pamamaraan ng gobyerno. Ang lathalaing ito na tungkol sa Tsina at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.