Pumunta sa nilalaman

Gaita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pipa)
Ang Manunugtog ng Supot na Pipa o The Bagpiper sa Ingles, ipininta ni Hendrick ter Brugghen noong ika-17 daantaon sa Nederlands.

Ang supot na pipa, pipang may supot, gaita, gayta (mula sa Kastilang gaita) , o bagpipa (mula sa Ingles na bagpipe at bagpipes, kapwa tama ang isahan at maramihang baybay nito sa Ingles) ay isang uri ng hinahanginan, hinihingahan, o hinihipang instrumentong pangtugtog.[1] Kung minsan, tinatawag lamang itong pipa. Mayroon itong isang buslo o bag na nag-iipon at nagpapanatili ng hangin na nagmumula o pinuno ng manunugtog sa pamamagitan ng pagihip papaloob sa isang tubo. Upang makagawa ng tugtugin, pinipisil ang supot at lumalabas ang hangin mula sa isang uri ng plawta o chanter kaya't nalilikha ang nota ng musika. Karaniwang may isa o maraming iba pang mga tubo nagmumula sa bag na gumagawa ng tunog kapag pinipiga ang supot.

Kalimitang iniisip ng mga tao ang Eskosya kapag nakakarinig sila ng supot na pipa. Ngunit mayroon ding mga bag na pipang matatagpuan sa kabuoan ng Europa, sa ilang bahagi ng Hilagang Aprika, patungo sa Gitnang Silangan, tulad ng sa Golpong Persiko (Persian) at sa Kaukaso.

May isang libong taon nang umiiral at pinatutugtog ang mga pipang supot, at maaaring mayroon na nito ng higit pa o mas matagal pa kaysa isang libong taon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Bagpipe - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.