Pumunta sa nilalaman

Pista ng Panagbenga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sayawan sa kalye sa Pista ng Panagbënga noong 2009
Isang karaniwang float sa Pista ng Panagbënga noong 2009

Ang Pista ng Panagbënga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbënga Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbënga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.


PilipinasKultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.