Platapormang orgasmiko
Ang platapormang orgasmiko ay ang pamamaga ng mga tisyung nakapaligid sa panlabas na ikatlong bahagi ng puki habang nagaganap ang yugtong kung tawagin sa Ingles ay plateau, isang kalagayan ng kaunti o kawalan ng pagbabago na sumunod sa isang panahon ng gawain o pagsulong.[1] Ayon kina Masters at Johnson ang platapormang orgasmiko ay maaari ring tumukoy sa mismong mga tisyu ng panlabas na ikatlong bahagi ng puki. Masyadong namamaga ang mga ito, at humihigpit ang muskulong pubococcygeus, na nagpapabawas sa diyametro ng butas ng puki. Habang nangyayari ang orgasmo, ang babae ay nakakaranas ng ritmikong mga kontraksiyon ng platapormang orgasmiko. Ang platapormang orgasmiko ay nagaganap dahil sa pamamaga ng bulbus vestibuli na nagpapakitid sa vestibulum. Sa katunayan, ito ang pagkipot at paghaba ng pang-ibabang 1/3 ng kaluban.
- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 564.