Pumunta sa nilalaman

Pokémon Black 2 at White 2

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pokémon Black 2 and White 2)
Pokémon Black 2 at White 2
pabalat ng Pokémon White 2 para sa Hilagang Amerika na itinatampok ang Legendary Pokémon na si White Kyurem
NaglathalaGame Freak
Nag-imprentaNintendo, The Pokémon Company
DirektorJunichi Masuda
MusikaJunichi Masuda
Go Ichinose
Shota Kageyama
Hitomi Sato
Morikazu Aoki
Minako Adachi
Satoshi Nohara
SeryePokémon
PlatapormaNintendo DS
DyanraRole-playing video game
Mode
  • Multiplayer video game
  • single-player video game Edit this on Wikidata

Ang Pokémon Bersyong Black 2 at Bersyong White 2 (ポケットモンスターブラック2・ホワイト2, Poketto Monsutā Burakku Tsū & Howaito Tsū) ay ang karugtong ng mga larong Pokémon Black at White na inilabas sa Hapon noong 23 Hunyo 2012, 7 Oktubre 2012 sa Hilagang Amerika at 12 Oktubre 2012 sa Europa.[1][2] Ang mga larong ito ay binuking sa episodyo ng hapong telebisyon na Pokémon Smash! ni Junichi Masuda noong 26 Pebrero 2012[3] at sinundan naman sa websayt ng Pokémon.[4] Ang mga larong ito ay may mga bagong Legendary Pokémon na si Black Kyurem (ブラックキュレム, Burakku Kyuremu) para sa Black 2 at si White Kyurem (ホワイトキュレム, Howaito Kyuremu) naman sa White 2.[5][6]

Sa mga taong maglalaro ng larong ito sa Nintendo 3DS ay maaring magamit ang Pokémon Dream Searcher app na pwedeng manghuli ng Pokémon sa pamamagitan ng pagtapat ng kamera ng konsola sa paligid.[7] Ang larong ito ay merong mga DSi enhancement.

Mga Pagbabago

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ang laro ay magsisimula parin sa rehiyon ng Unova at magsisimula ito sa dalawang taong pagkalipas ng Pokémon Black at White. Maraming mga lugar ang nagbago na at isa na ang ikaapat na ruta na ngayon ay marami ng mga gusali.
  • Ang parola sa lungsod ng Driftveil ay nawala na at meron din dalawang butas ang lumitaw. Bukod pa dito, ang Challenger's Cave ay wala na rin, at ang tubig sa Entralink ay natuyo o pinatuyo na. Ang Cold Storage sa lungsod ng Driftveil ngayon ay isa ng Pokémon World Tournament.
  • Nagkaroon na ng mga bagong lokasyon sa mga larong ito, tulad ng lungsod ng Aspertia na kung saan magsisimula ang paglalakbay ng manlalaro at matatanggap ang kanyang pangsimulang Pokémon kay Bianca. Kasama na rin sa mga bagong lugar ang Virbank, Floccesy, Lentimas at Humilau.
  • Meron ng mga bagong tauhan ang ipinakilala sa laro katulad nila Hugh, Colress, Roxie, Marlon at Benga.
  • Ang rehiyunang Pokédex ng Unova ay lumaki pa lalo at maari ng makita dito sa listahan ang mga Pokémon sa mga nakaraang rehiyon katulad ni Psyduck na nakalista sa numerong 028, 033 naman kay Riolu at 254 naman kay Metagross.
  • Meron ding mga pagbabago ang naganap sa grapika: Ang itsura ng Pokédex ay nagbago ng kaunti. Ang bar na nagpapakita ng antas ng Pokémon, EXP at HP ay muling naidisenyo (depende rin sa bersyon ng laro). Ang mga sprite ng ilang mga Pokémon ay nagbago rin at ipinapakita ang bagong paggalaw nito sa pakikipaglaban at ang mga sprite ng mga tauhan ay animadong gumagalaw na.
  • Sa mga larong ito, ang dating karibal na si Cheren sa mga larong Pokémon Black at White ngayon ay isa ng Gym Leader sa lungsod ng Aspertia at dalubhasa sa Normal-type Pokémon habang si Bianca naman na dating karibal rin ay isa ng katulong (assistant) ni Propesor Juniper.
  • Si Bianca na ang magbibigay ng pangsimulang Pokémon sa manlalaro.
  • Nagkaroon na ng bagong pasilidad upang makipaglaban, ito ang Pokémon World Tournament, ang lugar upang salubungin at kalabanin ang iba't ibang mga tagasanay. Makakalaban rin dito ang mga Gym Leader at kampeon ng mga rehiyong Kanto, Johto, Hoenn, Sinnoh at ganun din ang Unova. Maari ring makalaban ang iba't ibang mga tagasanay sa buong mundo sa pamamagitan ng Nintendo Wi-Fi Connection.
  • Nagkaroon ng bagong pasilidad, ito ay ang PokéStar Studios na kung saan ang manlalaro ay aarte kasama ang mga Pokémon at iba pang aktor.
  • Ang istatuwa ni Pikachu sa lungsod ng Nimbasa ay may kasama ng Pichu. Merong bagong istatuwa sa kanang bahagi ng lungsod ang nakatayo, ito ay si Audino.
  • Merong bagong bayan na ang pangalan ay Floccesy. Malapit sa bayan na ito, merong kagubatan na ang pangalan ay Pledge Grove (isang bagong lugar rin) na kung saan dito mababago ang anyo ni Keldeo.
  • Merong isang bagong lugar, ito ang Join Avenue. Ito ay isang avenue na sa una pa lang ay wala ng laman, ang manlalaro na ang bahala sa paglalagay ng mga tindahan rito sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng manlalaro sa mga taong dumadaan sa avenue o sa pamamagitan ng Wi-Fi. Ito ay makikita sa ikaapat na ruta sa pagitan ng lungsod ng Castelia at Nimbasa.
  • Muling nagpakita ulit ang grupong Plasma, na hindi parin sinuko ang kanilang mga plano na maghari sa buong mundo. Gayunpaman ito ay nahahati sa dalawang grupo, ang suot ng unang grupo ay katulad parin sa Black at White na kung saan sila ay naging mabait na at ang pangalawa ay nakasuot ng bagong itim na damit.
  • Nagkaroon ng mga bagong katangian ang Xtransceiver, isa na doon ang mga maliit na laro at pwede ng tawagan kahit anong oras ang mga tauhan sa laro.
  • Merong bagong karibal na ang pangalan ay Hugh (bagaman maari mo paring mapalitan ang pangalan ng karibal katulad lang ng mga nakaraang laro sa Pokémon), ang mga manlalaro sa mga larong ito ay sina Nate at Rosa.
  • Si Iris na ang bagong kampeon.
  • Ang mga Gym leader ay sina: Cheren, Roxie, Burgh, Elesa, Clay, Skyla, Drayden at Marlon.
  • Ang gym ng lahat ng mga dating gym leader sa Pokémon Black at White na nandito parin sa mga larong ito ay naidisenyo muli.
  • Merong dalawang bagong lugar upang makipag-laban: Ang Black Tower sa lungsod na itim at White Treehollow naman sa puting kagubatan. Ang bawat lugar ay may iba't ibang mga tagasanay. Upang makalaban ng manlalaro ang Boss Trainer kailangan makalaban muna ng manlalaro ang Gate Trainer upang mabuksan ang pinto papunta sa Boss Trainer. Upang mahanap ng manlalaro ang Gate Trainer kakalabanin nito ang iba pang mga tagasanay upang makakuha ng impormasyon kung saan matatagpuan ang Gate Trainer. Ang lugar ay may 10 antas at habang tumatagal ay palakas pa ng palakas ang mga tagasanay. Sa ika-10 antas makakalaban ng manlalaro ang apo ni Alder na si Benga.
  • Ang bag ay merong anim na bulsa sa halip na lima.
  • Merong bagong katangian ang mga larong ito, ito ang Unova Link na kung saan kaya nito baguhin ang kahirapan sa laro, pagpalitin ang lungsod na itim (Black City) at puting kagubatan (White Forest) sa pagitan ng dalawang bersyon, magpasa ng impormasyon sa datos ng larong Pokémon Black at White o kaya naman gamitin ang Pokémon Dream Radar.

Pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bersyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ilan sa mga pagkakaiba sa pagitan ng mga larong Pokémon Black 2 at Pokémon White 2

Ang mga laro ay magsisimula sa dalawang taong pagkalipas ng mga larong Pokémon Black at White. Marami ng mga pagbabago ang meron sa rehiyon ng Unova sa mga panahong ito: meron ng mga bagong lokasyon sa timog-kanluran at hilagang-silangan ng rehiyon, at ang ilan sa mga dating lokasyon ay hindi na mapupuntahan. Merong tatlong bagong gym leader at bagong kampeon ang ipinakilala, habang ang rehiyunang Pokédex ng Unova ay pinalaki pa lalo upang isama ang mga Pokémon sa ibang rehiyon.

Ang manlalarong lalaki na ang pangalan ay Nate o Rosa kung babae—ay magsisimula ang paglalakbay nito sa timog-kanluran ng rehiyon sa lungsod ng Aspertia. Matapos matanggap ang kanilang pansimulang Pokémon sa katulong (assistant) ni Propesor Juniper na si Bianca, sila ay hinikayat na kalabanin ang lahat ng gym leader sa rehiyon at pumunta at kalabanin ang Elite Four sa Pokémon League. Ang lalaki sa bayan ng manlalaro na si Hugh, ay maglalakbay kasama ng manlalaro. Si Hugh ay ang tagasanay na hindi gusto kalabanin ang Pokémon League: ibinuking sa mga larong ito na sinusubukan niyang mabawi ang nanakaw na Pokémon ng kanyang kapatid sa Team Plasma.

Sa panahon ng kanilang paglalakbay, ang manlalaro at si Hugh ay madalas nakikita ang mga miyembro at dating miyembro ng grupong Plasma, ganun din ang misteryosong siyentipiko na si Colress. Isa sa mga pitong sages na si Zinzolin ay muli paring nagpakita sa mga larong ito bilang isang kalaban habang ang dating miyembro naman na si Rood ay tutulungan ang manlalaro. Matapos malaman ng manlalaro ang alamat tungkol sa legendary Pokémon na si Kyurem sa bayan ng Lacunosa na kung saan dating nagpakita na rin sa Giant Chasm, ang manlalaro ay natuklasan na ang grupong Plasma ay balak gamitin ang kapangyarihan ni Kyurem upang palamigin ang malalaking bahagi ng rehiyon kasama na ang lungsod ng Opelucid. Ang manlalaro ay kailangan matalo ang grupong Plasma at ganun din ang pinuno nito na si Ghetsis upang palayain si Kyurem. Pagsasamahin ni Ghetsis ang kapangyarihan ni Kyurem at ng legendary Pokémon na si ZekromB2/ReshiramW2 na naging kaibigan ng kanyang anak na si N dalawang taon na ang nakakaraan.

Pagkatapos ng kuwento ng mga laro, ilan sa mga lugar na hindi muna mapupuntahan ay maari ng mapuntahan at isa na doon ang tulay ng Skyarrow. Ilan sa mga Pokémon na hindi makukuha sa rehiyon ay maari ng makuha at ang legendary Pokémon na sina ZekromB2/ReshiramW2 at Kyurem ay maari na ring makuha. Kapag nahuli na sila ng manlalaro, ang manlalaro ay maari ng pagsamahin si Kyurem at si ZekromB2 o ReshiramW2 at baguhin ang anyo ni Kyurem.

Palatakdaan ng Oras

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Noong 25 Pebrero 2012 sa hapong telebisyong palabas na Pokémon Smash!, inanunsyo ang dalawang bagong laro ng Pokémon para sa Nintendo DS ito ay ang Pokémon Black 2 at White 2, karugtong ng mga larong Black at White, na hindi man lang binunuking ang kuwento at mga tauhan pero sinabi na ang legendary Pokémon rito ay sina Black Kyurem at White Kyurem.
  • Noong 2 Marso 2012 binuking sa opisyal na websayt na magpapakita sa mga larong ito sina Keldeo at Meloetta at magkakaroon din ng event para sa kanila upang ipagdiriwang ang paglabas ng mga larong ito.
  • Sa pahina ng Amazon Japan ipinakita rito ang mga larawan ng dalawang bagong laro ng Pokémon na kinukumpirma na sina Black Kyurem at White Kyurem ay Dragon/Ice type parin. Kinumpirma rin dito na ang taas at bigat ng dalawang Pokémon. Si Black Kyurem ay may taas na 3.3 m at bigat na 325 kg. habang si White Kyurem naman ay may taas na 3.6 m at parehong bigat ni Black Kyurem at sinabi rin ang palatandaang galaw ni Black Kyurem na Freeze Shock at Ice Burn naman kay White Kyurem.
  • Noong 12 Abril 2012, merong mga bagong larawan sa magasin ni CoroCoro na nagbubuking sa ilang mga impormasyon tungkol sa mga larong ito at ang posibleng kuwento ng laro at pagkakaiba sa pagitan ng Black at White.
  • Noong 15 Abril 2012 ipinakita ang maikling paglalaro sa mga larong ito at nagbuking ng ilang mga impormasyon tungkol sa mga larong ito sa palabas na Pokémon Smash!.
  • Noong 11 Mayo 2012 sa ilang mga larawan sa magasin ni CoroCoro ay makikita rito ang mga larawan nila Tornadus, Thundurus at Landorus sa kanilang ibang anyo. Ang tawag sa kanilang orihinal na anyo na unang nakita sa mga larong Pokémon Black at White ay Incarnate Forme habang ang kanilang bagong anyo na unang makikita sa mga larong ito ay Therian Forme. Sa mga ilang larawan makikita ang Pokémon na si Tornadus ay hinuhuli ng manlalaro gamit ang Pokémon Dream Radar.
  • Noong 12 Mayo 2012, marami pang mga larawan ang nagkalat sa magasin ni CoroCoro na nagpapakita ng mga dating tauhan katulad nila Cheren at Bianca, Pokémon World Tournament (na kung saan makakalaban ng manlalaro ang dating mga gym leader at kampeon), bagong anyo ng Kami Trio na sila Tornadus, Thundurus at Landorus, ang Pokéstar Studios at iba pa.
  • Noong 15 Mayo 2012, isang pagpapakilalang bidyo sa anyong anime ang ikinarga sa Youtube para sa mga larong ito na kung saan ibinuking rito ang ilan sa mga pangyayari sa kuwento at opisyal na ikinarga ang bidyo na ito noong Mayo 17.
  • Noong 2 Hunyo 2012, merong bagong pangkalakalan (commercial) na bidyo para sa mga larong ito na kung saan nagpakita sila N at Ghetsis at ang gym sa lungsod ng Mistralton. Ipinakita sa Pokémon Smash! ang paraan ng paggawa ng pelikula sa Pokéstar Studios na makikita ang pagpili ng manlalaro ng skrip at paglaban sa mga aktor na kasama ng manlalaro sa pag-arte.
  • Noong 6 Hunyo 2012, ipinakita ang bagong bidyo na kung saan makikita si Colress (isang misteryosong siyentipiko), ang pagkuha ng manlalaro ng mga medalya, bagong itsura ng ikaapat na ruta, ang Pokémon World Tournament, ang bagong itsura ng Entralink, ang paggawa ng pelikula sa Pokéstar Studios at ang dalawang bagong anyo ni Kyurem na aktibo ang kapangyarihan nito o (overdrive mode).
  • Noong 10 Hunyo 2012, ibinuking sa magasin ni CoroCoro ang bagong anyo ni Keldeo na ang tawag ay Resolute Form.
  • Noong 13 Hunyo 2012, merong mga bagong scan ang meron sa magasin ni CoroCoro na kung saan makikita dito ang Resolute na anyo ni Keldeo, ang Poké Transfer Lab, ang lungsod na itim at puting kagubatan, ang bundok ng Reversal sa pagitan ng dalawang bersyon, bagong itsura ni Elesa at ang bagong gym nito, ang bagong itsura ng grupong Plasma at ang propesor sa Pokémon Dream Radar.
  • Noong 15 Hunyo 2012, opisyal na ibinuking sa bansang Hapon ang pagkakaiba ng Join Avenue sa pagitan ng dalawang bersyon at ang dalawang maliit na laro (minigames) para sa Xtransceiver.
  • Noong 23 Hunyo 2012 inilabas na ang mga larong ito sa bansang Hapon.
  • Noong 28 Setyembre 2012 ibinuking ang mga ingles na pangalan para sa dalawang manlalaro sa mga larong ito na sina Nate at Rosa.
  • Noong 07 Oktubre 2012 inilabas na ang mga larong ito sa Hilagang Amerika.
  • Noong 12 Oktubre 2012 inilabas na ang mga larong ito sa Europa.

Merong opisyal na soundtrack ang mga larong ito na pinamagatang Nintendo DS Pocket Monsters Black 2 and White 2 Super Music Complete Network (ニンテンドーDS ポケモンブラック2・ホワイト2 スーパーミュージックコンプリート) na inilabas noong 25 Hulyo 2012. Ang apat na disko ay inilikha muli ni Junichi Masuda, Go Ichinose, Shota Kageyama, Hitomi Sato, Morikazu Aoki, Minako Adachi at Satoshi Nohara. Ilan sa mga tugtugin ng soundtrack ay naglalaman ng mga tugtugin ng Pokémon Black at White, Pokémon Ruby at Sapphire at Pokémon Diamond at Pearl.[8]

Mga lokasyon sa laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Bayan, Syudad at Kagubatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
text
Mapa ng Rehiyon ng Unova sa loob ng laro
text
Likhang sining ng mapa ng Rehiyon ng Unova sa Black 2 at White 2 na ipanapakita ang malaking pagbabago at mga bagong lokasyon nito
  • Nuvema Town
  • Accumula Town
  • Striaton City
  • Nacrene City
  • Aspertia City
  • Floccesy Town
  • Virbank City
  • Castelia City
  • Nimbasa City
  • Anville Town
  • Driftveil City
  • Mistralton City
  • Lentimas Town
  • Icirrus City
  • Opelucid City
  • Undella Town
  • Lacunosa Town
  • Humilau City
  • Pokémon League
  • Black City/White Forest

Mga Tulay at Lagusan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Skyarrow Bridge
  • Driftveil Drawbridge
  • Tubeline Bridge
  • Village Bridge
  • Marvelous Bridge
  • Marine Tube
  1. "POKÉMON BLACK VERSION 2 AND POKÉMON WHITE VERSION 2 ANNOUNCED". 27 Pebrero 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Mayo 2012. Nakuha noong 27 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Brand new #Pokémon Black Version 2 & Pokémon White Version 2 for #NintendoDS coming to Europe this Autumn Nintendo of Europe sa Twitter. 27 Pebrero 2012. Nakuha noong 27 Pebrero 2012.
  3. "Pokémon Black and White 2 revealed on Pokémon Smash!". 25 Pebrero 2012. Nakuha noong 25 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Pokémon Black Version 2 and Pokémon White Version 2 Coming this Fall!". Nintendo. Nakuha noong 26 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 最新作『ポケットモンスターブラック2・ホワイト2』の2匹の新ポケモンの名前ですが、、、 Junichi Masuda sa Twitter. 26 Pebrero 2012. Nakuha noong 26 Pebrero 2012.
  6. "Black Kyurem" and "White Kyurem" are the names of new legendary Pokémon!! Junichi Masuda sa Twitter. 26 Pebrero 2012. Nakuha noong 26 Pebrero 2012.
  7. "Pokedex Pro and AR Searcher apps coming to Nintendo 3DS". 31 Mayo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "『ポケットモンスターブラック2・ホワイト2』の世界を堪能できる! 究極のサウンドトラックが4枚組で登場!|ポケットモンスターオフィシャルサイト". Pokemon.co.jp. Nakuha noong 2012-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Black at White
2010JAP, 2011NA
2012JAP,Q2 2012NA Susunod:
X at Y
2013JAP, Q2 2013NA