Pokémon Black at White
Pokémon Black at White | |
---|---|
Naglathala | Game Freak |
Nag-imprenta | Nintendo, The Pokémon Company |
Direktor | Junichi Masuda |
Prodyuser | |
Musika | Go Ichinose Hitomi Sato Shota Kageyama Junichi Masuda Morikazu Aoki |
Serye | Pokémon |
Plataporma | Nintendo DS |
Dyanra | Role-playing video game |
Ang Pokémon Bersyong Black[4] at Bersyong White[5] (ポケットモンスターブラック・ホワイト Poketto Monsutā Burakku & Howaito) ay isang uri ng role-playing game na nilikha ng Game Freak at inilathala naman ng Nintendo para sa konsolang Nintendo DS. Ang mga larong ito ay ang unang bersyon para sa ikalimang henerasyon ng mismong orihinal na larong Pokémon. Ang Bawat laro na Black at White ay may Likhang-sining sa pabalat nito na dalawang Pokémon na si Reshiram at Zekrom. Ang Black at White ay inilabas sa bansang Hapon noong 18 Setyembre 2010, 6 Marso 2011 naman sa Hilagang Amerika at 4 Marso 2011 sa Europa, kung saan ipinakilala nito ang bagong 150 dagdag na Pokémon, at dalawa dito ay lumabas na sa ikalabintatlong pelikula ng Pokémon noong kalagitnaan ng 2010. Ang mga larong ito ay merong DSi enhancement.
Pagkatapos na mailabas ang mga larong ito. Ibinuking sa Pokémon Smash! ni Junichi Masuda ang mga larong Pokémon Black 2 at White 2. Ilalabas nila ang mga larong ito sa 23 Hunyo 2012 sa Hapon, 7 Oktubre 2012 sa Hilagang Amerika at 12 Oktubre 2012 sa Europa.
Mga Katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga katangian ng larong Black at White ay katulad lang din ito sa mga nakaraang henerasyon ng larong Pokémon. Isa na rito ang araw at ang oras, mga galaw ng Pokémon, Nintendo Wi-Fi Connection at iba't iba pang mga pang komunikasyon na katangian at Battle Frontier. Pero itong dalawang laro na Black at White ay meron mga nadagdagan na katangian at mas pinagandang mga katangian na meron na sa mga nakaraang laro ng Pokémon.
Katulad ng pinagandang grapika, puno ng animado ang galaw ng bawat tao at Pokémon sa laro, ang kanilang mga sprites. At kapag ikaw ay nakipag usap sa bawat tao, ang dyalogo ay pinaganda pa ng lalo na makikita mo sa itaas ng kanilang ulo at hindi katulad sa mga nakarang laro ng Pokémon ay isang simpleng karton ng dyalogo ito.
C-Gear
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Communication Gear o sa mas kilala sa tawag na C-Gear (sa Hapon: Cギア C-Gear) ay pinapayagan ang bawat manlalaro na gumamit ng multiplayer na katangian habang kahit na nasaan ka sa mundo ng laro. May iba't ibang uri ito ng komunikasyon na ginagamit: Wireless, Nintendo Wi-Fi Connection at Infrared. Itong C-Gear parang katulad lang siya ng Pokétch pero mas marami ang mga katangian ng C-Gear.
Pokémon Dream World
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pokémon Dream World (sa Hapon: ポケモンドリームワールド Pokémon Dream World) ay isang espesyal na katangian ng mga larong Black at White na ginagamitan ng Nintendo Wi-Fi Connection na ipinapatakbo ng website na Pokemon-GL.com. Ang Dream World ay pinapayagan ang bawat manlalaro na magpadala ng kanilang Pokémon sa Internet para makakuha ng iba't ibang gamit at makasalamuha ang iba't ibang Pokémon.
Pokémon Global Link
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pokémon Global Link ay isang katangiang multiplayer ng mga larong Black at White na ginagamitan ng Nintendo Wi-Fi Connection. Ito ay analogo ng GTS sa ikaapat na henerasyon. Ang katangian nito ay ang magkarga ng mga save file ng mga manlalaro sa Website ng Pokémon Global Link Naka-arkibo 2012-06-30 sa Wayback Machine. para makapunta sa Pokémon Dream World. Ang mga manlalaro ay pwede rin pumunta sa Pokémon Center para makapunta sa Random Matchup na makipag laban sa mga ibang mga manlalaro na naka konekta rin sa Random Matchup. Ang Pokémon Global Link ay lugar rin ng mga manlalaro para maka download ng mga pabalat para sa C-Gear at Pokédex at karagdagang mga kanta sa Pokémon Musical.
Pokémon Musical
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pokémon Musical (sa Hapon: ポケモンミュージカル Pokémon Musical) ay isa sa mga katangian ng mga larong Black at White, na kapalit ng Pokémon Contest na pangkasalukuyan na nasa ikaapat na henerasyon, Super Contest naman sa mga larong Diamond, Pearl at Platinum at Pokéathlon naman sa Heartgold at Soulsilver. Ang mga manlalaro ay bibihisan nila ang kanilang mga Pokémon ng iba't ibang kagamitan at pagkatapos nito ay sasayaw ito sa entablado kasama rin ang iba't ibang Pokémon ng mga manlalaro.
Entralink
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Entralink (sa Hapon: ハイリンク Hilink) ay isang bagong katangian sa mga larong Black at White na pinapayagan ang bawat manlalaro na makalaro ang ibang malalaro. Sa Rehiyon ng Unova, ang Entralink ay nasa kalagitnaang bahagi nito. Ang lahat ng mga Pokémon na makukuha sa Pokémon Dream World ay makukuha rito.
Mga Panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa larong Pokémon Black at White meron itong katangian na pwedeng magpalit ng panahon, Pag Tag-sibol nangyayari ito sa buwan ng Enero, Mayo at Setyembre. Tuwing Tag-init nangyayari ito Pebrero, Hunyo at Oktubre. Tuwing Tag-lagas Marso, Hulyo at Nobyembre. Tuwing Tag-lamig nangyayari ito tuwing Abril, Agosto at Disyembre.
Tripleng at Rotasyong Labanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Tripleng Labanan ay unang ipinakilala sa ikalimang henerasyon sa laro na Black at White na kung saan tag tatlong Pokémon ang mga maglalaban sa kabilang gilid. Minsan ang mga ilang Pokémon ay may katangian na kayang atakihin ang tatlong kalaban nang sabay-sabay at ilan din sa mga katangian ng Tripleng Labanan ay limitado. Dito rin ipinakilala ang mga Pokémon na si Pansage, Pansear at Panpour. Pwede rin mag sama ang mga move nang sabay-sabay katulad ng Fusion Flare na move ni Reshiram at Fusion Bolt naman kay Zekrom.
Ang Rotasyong Labanan ay unang ipinakilala din sa ikalimang henerasyon sa laro na Black at White na katulad lang din ng Tripleng Labanan. Tatlong Pokémon ang maglalaban sa kabilang gilid ngunit kapag nakikipag laban umiikot ang bilog sa kanan at minsan sa kaliwa, medyo nakakalito ito kaya gagamitan mo ito estratehiya habang nakikipag laban.
Mga Gym Leader
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katulad sa lahat ng mga nakaraang laro ng Pokémon meron din Walong Gym Leader, ngunit masasabi itong labing-isang Gym Leader dahil sa Syudad ng Opelucid dalawa ang Gym Leader at sa Syudad ng Striation may tatlong Gym Leader, makakalaban mo ito ng isa lang, depende ito sa bersyon ng laro mo at sa pinili mong pangsimulang Pokémon.
- Striation City Gym
- Chili (sa Hapon: ポッド Poddo) ay isa sa Gym Leader ng Striation City Gym, makakalaban ng manlalaro ito kapag ang pinili nito sa simula ay si Snivy.
- Cress (sa Hapon: コーン Corn) ay isa rin sa Gym Leader ng Striaton City Gym, makakalaban ng manlalaro ito kapag ang pinili nito sa simula ay si Tepig.
- Cilan (sa Hapon: デント Dent) ay isa rin sa Gym Leader ng Striation City Gym, makakalaban ng manlalaro ito kapag ang pinili nito sa simula ay si Oshawott.
- Nacrene City Gym
- Lenora (sa Hapon: アロエ Aloe) kilala bilang isang Gym Leader ng Nacrene City Gym. Siya ay dalubhasa sa Normal-type Pokémon at ibibigay niya ang Basic Badge sa mga tagasanay na makakatalo sa kanya at siya rin ang direktor ng Nacrene Museum.
- Castelia City Gym
- Burgh (sa Hapon: アーティ Arti) kilala bilang isang Gym Leader ng Castelia City Gym. Siya ay dalubhasa sa Bug-type Pokémon at ibibigay niya ang Insect Badge sa mga tagasanay na makakatalo sa kanya.
- Nimbasa City Gym
- Elesa (sa Hapon: カミツレ Kamiture) kilala bilang isang Gym Leader ng Nimbasa City Gym. Siya ay dalubhasa sa Electric-type Pokémon at ibibigay niya ang Bolt Badge sa mga tagasanay na makakatalo sa kanya.
- Driftveil City Gym
- Clay (sa Hapon: ヤーコン Yacon) kilala bilang isang Gym Leader ng Driftveil City Gym. Siya ay dalubhasa sa Ground-type Pokémon at ibibigay niya ang Quake Badge sa mga tagasanay na makakatalo sa kanya.
- Mistralton City Gym
- Skyla (sa Hapon: フウロ Fuuro) kilala bilang isang Gym Leader ng Mistralton City Gym. Siya ay dalubhasa sa Flying-type Pokémon at ibibigay niya ang Jet Badge sa mga tagasanay na makakatalo sa kanya.
- Iccirus City Gym
- Brycen (sa Hapon: ハチク Hachiku) kilala bilang isang Gym Leader ng Iccirus City Gym. Siya ay dalubhasa sa Ice-type Pokémon at ibibigay niya ang Freeze Badge sa mga tagasanay na makakatalo sa kanya.
- Opelucid City Gym
- Drayden (sa Hapon: シャガ Shaga) kilala bilang isang Gym Leader ng Opelucid City Gym sa Bersyong Black. Siya ay dalubhasa sa Dragon-type Pokémon at ibibigay niya ang Legend Badge sa mga tagasanay na makakatalo sa kanya.
- Iris (sa Hapon: アイリス Iris) kilala bilang isang Gym Leader ng Opelucid City Gym sa Bersyong White. Siya ay dalubhasa sa Dragon-type Pokémon at ibibigay niya ang Legend Badge sa mga tagasanay na makakatalo sa kanya.
Elite Four at ang Kampeon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi katulad sa mga nakaraang laro ng Pokémon, ang Elite Four ay hindi makakalaban ng pagkasunod-sunod ngunit sa mga larong ito ay oo. Pagkatapos makalaban ng manlalaro ang mga Elite Four, saka nito makakalaban ang Kampeon ngunit sa storya ng mga larong Black at White ay hindi muna ito makakalaban ng manlalaro dahil kailangan pa nito taluhin ang Team Plasma, at matatalo lang ng manlalaro ang kampeon kapag natapos na nito ang kuwento ng laro at muling kakalabanin ang mga Elite Four.
- Mga Elite Four
- Shauntal (sa Hapon: シキミ Shikimi) ay isa sa mga miyembro ng Elite Four ng Rehiyon ng Unova, siya ay dalubhasa sa Ghost-type Pokémon.
- Grimsley (sa Hapon: ギーマ Giima) ay isa sa mga miyembro ng Elite Four ng Rehiyon ng Unova, siya ay dalubhasa sa Dark-type Pokémon.
- Caitlin (sa Hapon: カトレア Cattleya) ay isa sa mga miyembro ng Elite Four ng Rehiyon ng Unova, siya ay dalubhasa sa Psychic-type Pokémon at sa mga larong Pokémon Platinum, HeartGold at Soulsilver siya ay nagpakita sa Battle Frontier.
- Marshal (sa Hapon: レンブ Renbu) ay isa sa mga miyembro ng Elite Four ng Rehiyon ng Unova, siya ay dalubhasa sa Fighting-type Pokémon.
- Ang Kampeon
- Alder (sa Hapon: アデク Adeku) ay ang kampeon ng mga Elite Four ng Rehiyon ng Unova sa mga larong Black at White, siya ay dalubhasa sa Bug-type Pokémon.
Ang Unova
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang manlalaro ay magsisimula sa Rehiyon ng Unova (sa Hapon: イッシュ地方 Isshu-chihō) na malayo sa iba pang malalaking rehiyon ng Pokémon na Kanto, Johto, Hoenn at Sinnoh, na kung saan ito ay binase sa New York City na ipinaliwanag na direktor na si Junichi Masuda. Ilan sa mga lugar sa Unova ay nahahawig sa New York, at isa na dun ang Castelia City na nahahawig sa Lower Manhattan, ang Skyarrow Bridge na kung saan ay nahahawig sa Brooklyn Bridge at ang iba pang mga lugar katulad ng mga panlibangang parke, mga daungan, mga paliparan at mga tulay.
Kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang laro ay magsisimula sa Bayan ng Nuvema sa kuwarto ng manlalaro kasama si Cheren, ang kanyang kababata. Si Propesor Juniper ay mag iiwan ng karton para sa kanila at may laman itong tatlong Pokémon na si Snivy, Tepig at Oshawott para kanilang piliin at magsisilbing kanilang pang simulang Pokémon. Pagkatapos ng kanilang pagpili, ang kanyang kababata na si Bianca ay manghahamon na makipag-labanan ng Pokémon. Pagkatapos ng labanan, ang kuwarto ng manlalaro ay magugulo at yun ang ikakagulat at ikamamangha ni Bianca. Tapos papagalingin ni Cheren ang Pokémon ni Bianca at ng manlalaro. Tapos si Cheren naman ang makikipaglaban ng Pokémon sa manlalaro at kapag natalo ka niya ipagmamalaki niya ang kanyang pagka-panalo at sasabihin niya sa manlalaro na hihingi siya ng tawad sa nanay ng manlalaro tungkol sa nagulong kuwarto.
Pagkatapos nilang humingi ng tawad, pupunta sila sa labaratoryo ni Propesor Juniper at tatanungin niya kung gusto bigyan ng manlalaro ng palayaw ang Pokémon na natanggap nito sa kanya, at tapos ipapaliwanag niya ang tungkol sa Pokédex, at matapos niya ipaliwanag ibibigay niya sa kanilang tatlong magkakaibigan ang Pokédex. At ibibigay rin sa kanilang tatlong magkakaibigan ng nanay ng manlalaro ang Town Map.
Magmula noon, Ang manlalaro ay magsisimula nang kanyang paglalakbay sa Rehiyon ng Unova kasama ang kanyang dalawang kaibigan na si Cheren at Bianca na kakalabanin ang Walong Gym Leader, susubukin na kompletuhin ang Pokédex ng Unova, at tataluhin ang Elite Four at ang Kampeon sa Pokémon League.
Ngunit sa panahon ng kanilang paglalakbay, meron mga kontrabidang Team Plasma na balak nito paghiwalayin ang mga Pokémon at ang mga tagasanay. Si N ang pinuno ng Team Plasma at ang pinuno ng Pitong Sages na may lihim na tinatago ay si Ghetsis at gusto rin ni N na mahuli ang Legendary Pokémon na si Reshiram/Zekrom para mapadali ang paggawa ng plano nila. Gusto ng tatlong magkakaibigan na hadlangan ang plano ng Team Plasma para sa ikabubuti ng lahat.
Mga Pangsimulang Pokémon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Snivy (sa Hapon: ツタージャ Tsutarja) ay isang Grass-type Pokémon. Ito ay magbabagong anyo kapag nakaabot na ito sa lebel na 17 na Servine at kapag ito ay nakaabot naman sa lebel na 36 ito ay magbabagong anyo na Serperior.
- Tepig (sa Hapon: ポカブ Pokabu) ay isang Fire-type Pokémon. Ito ay magbabagong anyo kapag nakaabot na ito sa lebel na 17 na Pignite at kapag ito ay nakaabot naman sa lebel na 36 ito ay magbabagong anyo na Emboar.
- Oshawott (sa Hapon: ミジュマル Mijumaru) ay isang Water-type Pokémon. Ito ay magbabagong anyo kapag nakaabot na ito sa lebel na 17 na Dewott at kapag ito ay nakaabot naman sa lebel na 36 ito ay magbabagong anyo na Samurott.
Mga Eksklusibong Pokémon sa bawat laro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bersyong Black: Weedle, Kakuna, Beedrill, Murkrow, Houndour, Houndoom, Shroomish, Breloom, Plusle, Volbeat, Honchkrow, Cottonee, Whimsicott, Gothita, Gothorita, Gothitelle, Vullaby, Mandibuzz, Tornadus, at Reshiram.
- Bersyong White: Caterpie, Metapod, Butterfree, Paras, Parasect, Misdreavus, Poochyena, Mightyena, Minun, Machop, Gastly, Haunter, Gengar, Illumise, Mismagius, Petilil, Lilligant, Solosis, Duosion, Reuniclus, Rufflet, Braviary, Thundurus, at Zekrom.
Audio
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Nintendo DS Pocket Monsters Black and White Super Music Collection (ニンテンドーDS ポケットモンスター ブラック・ホワイト スーパーミュージックコレクション) ay isang opisyal na soundtrack na inalabas para sa Pokémon Black at White. Ito ay inilabas noong 20 Oktubre 2010.[6]
Disc 1 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
Disc 2 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
Disc 3 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
Disc 4 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
Mga lokasyon sa laro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Bayan, Syudad at Kagubatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nuvema Town
- Accumula Town
- Striaton City
- Nacrene City
- Castelia City
- Nimbasa City
- Anville Town
- Driftveil City
- Mistralton City
- Icirrus City
- Opelucid City
- Undella Town
- Lacunosa Town
- Pokémon League
- Black City/White Forest
Mga Tulay at Lagusan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Skyarrow Bridge
- Driftveil Drawbridge
- Tubeline Bridge
- Village Bridge
- Marvelous Bridge
Mga Tauhan at Screenshot
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Ang Lalaki at Babae na manlalaro sa Pokémon Black at White
-
Propesor Juniper
-
Cheren
-
Bianca
-
Team Plasma
-
N
-
Ghetsis
-
Fennel
-
Cedric Juniper
-
Mga Gym Leader ng Unova
-
Mga Elite Four ng Unova
-
Ang Kampeon na si Alder
-
Subway Boss Ingo
-
Pokédex ng Unova
-
Xtransceiver ng Manlalaro
-
Pagpili ng Kasarian
-
Pagpili ng Pokémon
-
Pakikipag laban kay Bianca
-
Pakikipag laban ng Pokémon sa laro
-
Ang Castelia City na ipinapakita ang mga malalaking gusali
-
Mga Pangsimulang Pokemon ng Rehiyon ng Unova na sina Snivy (kaliwa), Tepig (gitna) at Oshawott (kanan).
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "商品情報 | 『ポケットモンスターブラック・ホワイト』公式サイト" (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-22. Nakuha noong 2010-06-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pokémon Black Version and Pokémon White Version". 2010-05-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-22. Nakuha noong 2010-09-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pokémon™ Black Version and Pokémon White Version for Nintendo DS coming to Europe in Spring 2011". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-22. Nakuha noong 2010-10-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pokémon Itim
- ↑ Pokémon Puti
- ↑ "ニンテンドーDS ポケモンブラック・ホワイト スーパーミュージックコレクション|ポケットモンスターオフィシャルサイ" (sa wikang Hapones). Nakuha noong 24 Setyembre 2010.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan: HeartGold at SoulSilver 2009JAP, 2010NA |
2010JAP, 2011NA | Susunod: Black 2 at White 2 2012JAP, Q2 2012NA |