Pokémon Conquest
Pokémon Conquest | |
---|---|
Naglathala | Tecmo Koei |
Nag-imprenta | Nintendo, The Pokémon Company |
Serye | Pokémon Nobunaga's Ambition |
Plataporma | Nintendo DS |
Dyanra | Tactical role-playing game |
Mode |
Pokémon Conquest, mas kilala sa Hapon na Pokémon + Nobunaga's Ambition[1] (ポケモン+ノブナガの野望 Pokemon Purasu Nobunaga no Yabō) ay isang tactical role-playing game na nilikha ng Tecmo Koei at inilathala naman ng Nintendo para sa konsolang Nintendo DS. Ito ay isang spin-off na laro ng Pokémon. Ang larong ito ay binuking noong 17 Disyembre 2011 sa Jump Fiesta at sinundan sa opisyal na websayt. Inilabas ang larong ito noong 17 Marso 2012 sa Hapon[2], 18 Hunyo 2012 sa Hilagang Amerika[3] , 21 Hunyo 2012 sa Australia at 27 Hulyo 2012 sa Europa.[4]
Paraan ng Paglalaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pokémon Conquest ay isang tactical role-playing game na turn-based strategy. Hanggang anim na Pokémon ang nakapuwesto sa magkabilang gild sa labanan na may kasamang mandirigma at ang magkabilang dulo ay gagalaw at aatake kasama ang Pokémon nila. Ang bawat pinuno ng mga mandirigma ay lalaban upang sakupin ang kaharian ng isa pang pinuno. Sa bawat labanan ay merong patakaran sa pagkapanalo, hindi lang kailangan matalo lang ang kalaban upang manalo pwedeng matalo ang manlalaro kapag di nasunod ang patakaran; isa sa mga mga patakaran ay kailangan mong kunin ang lahat ng bandila sa kaharian habang nakikipag-laban sa mga mandirigma. Kapag ang manlalaro ay nanalo sa laban, ang Pokémon na kasama nila ay aani ng link at makukuha nito ang kaharian ng pinuno na natalo nito. Ang manlalaro ay maaring kuhain ang mga mandirigma ng pinuno na natalo. Pwedeng mag-tala ng data ang manlalaro habang nasa kalagitnaan ng laban at meron itong multiplayer wireless mode na kung saan ang dalawang manlalaro ang maglalaban sa isa't isa.
Kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sabi sa alamat ng Pokémon Conquest, kung sino daw ang makakasakop ng 17 kaharian sa Rehiyon ng Ransei (ランセ地方 Ranse-chihō) ay magkakaroon ng pagkakataon na makita ang gumawa ng rehiyon na si Arceus. Ang manlalaro ay magsisimula sa kuwento na The Legend of Ransei.
Ang manlalaro ay magsisimula sa kaharian ng Aurora (ハジメ Hajime) na may kasamang Pokémon na si Eevee, ang manlalaro ang bagong pinuno ng mga mandirigma sa Aurora. Matatagpuan niya sina Mitsunari, Kiyomasa at si Masanori na aalipusta sa manlalaro na di pa nito kaya maging isang pinuno ng Aurora. Ang katabing kaharian ng Aurora na Ignis (カエン Kaen) ay magpapadala ng dalawang mandirigma upang agarang sakupin ang Aurora at kalabanin ang manlalaro. Si Oichi ay sasali sa labanan upang tulungan ang manlalaro.
Matapos kalabanin ang mga mandirigma ay magpapakilala si Oichi sa manlalaro at ipapaliwanag na ang mga pinuno ng bawat kaharian ay nagiging agresibo at naglalaban sa isa't isa upang sakupin ang katabi pa nitong mga kaharian, upang matupad nila ang kanilang gusto na masakop ang 17 kaharian ng Rehiyon ng Ransei at makita ang gumawa ng Rehiyon na si Arceus. Ang manlalaro ay unang makakalaban ang unang pinuno ng kaharian na si Hideyoshi, at kakalabanin si Motonari sa Greenleaf (アオバ Aoba) at Motochika sa Fountaine (イズミ Izumi). Malalaman din rito ng manlalaro kung paano reklutahin ang mga iba pang mandirigma at kung paano mag-link sa mga Pokémon.
Magmula rito, ang manlalaro ay maari ng sakupin ang Violight (シデン Shiden) na ang pinuno ay si Ginchiyo; Chrysalia (サナギ Sanagi) naman kay Yoshimoto; at Pugilis (コブシ Kobushi) kay Yoshihiro. Sa punto na ito, ang kaharian ng Terrera (ダイチ Daichi) at Illusio (ゲンム Genmu), na ang mga pinuno ay si Kenshin at Shingen, ay maari ng sakupin. Gayunpaman, ang manlalaro ay kakalabanin ang mga nito ngunit hindi ito makikipaglaban dahil sabi nila hindi pa kaya ng manlalaro na kalabanin sila. Sa punto na ito, alinman sa Chrysalia o Pugilis ang sasakupin ng manlalaro ay kailangan niya itong protekthan kapag nakasakop na niya ito.
Matapos matagumpay na protektahan ng manlalaro ang Pugilis o Chrysalia, ay maari na itong sakupin ang Terrera o Illusio. Matapos kalabanin ang kaharian nila Kenshin o Shingen, ang dalawang ito ay sasali sa grupo ng manlalaro upang tumulong sakupin ang 17 kaharian sa rehiyon. Magkakaroon ng simpleng selebrasyon ang manlalaro dahil sumali na sa kanilang grupo sila Kenshin at Shingen. Habang nagseselebrasyon, si Nobunaga ay magpapakita sa manlalaro at sasabihin nito na hawak niya ang iba pang mga kaharian sa rehiyon na: Avia (ツバサ Tsubasa), Cragspur (キガン Kigan), Yaksha (ヤシャ Yasha), Viperia (ドクガ Dokuga), Valora (フクシ Fukushi), Nixtorm (フブキ Fubuki), at Spectra (ミタマ Mitama) na kailangan masakop na niya ito bago pa masakop ni Nobunaga ang lahat ng kaharian at inamin ni Oichi na kapatid niya si Nobunaga.
Kasunod ng mga pangyayaring ito, pwede nang masakop ng manlalaro ang kaharian ng Cragspur, na ang pinuno ay si Masamume; Viperia kay Nene at Yaksha naman kay Kotarō. Kapag nasakop ng manlalaro ang isa mga kaharian na ito ay magpapakita sa manlalaro si Keiji at bibigyan ang manlalaro ng mga evolutionary stone: Fire Stone, Water Stone at Thunderstone na pinapayagan ang manlalaro na i-evolve ito sa Vaporeon, Jolteon o Flareon.
Kapag nasakop na ng manlalaro ang 3 kaharian, ang 3 natitirang pang kaharian ni Nobunaga ay pwede ng masakop: Spectra, na ang pinuno ay si Nō; Valora kay Ieyasu; at Nixtorm kay Mitsuhide. Kapag nasakop na ng manlalaro ang tatlong kaharian nito, ang kaharian ng Dragnor ay magpapakita at pwede na rin sakupin/kalabanin ng manlalaro si Nobunaga.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pokémon Conquest". Pokemon.com. Nakuha noong 4 Abril 2012.
{{cite web}}
: Text "Pokemon.com" ignored (tulong); Text "Video Games" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pokémon + Nobunaga's Ambition Game Revealed". Anime News Network. 16 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pokemon Conquest release date set for DS, is ..." GamesRadar. 4 Abril 2012. Nakuha noong 23 Hunyo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Newton, James. "Pokémon Conquest Reaches Europe on 27th July". NintendoLife. Nakuha noong Hulyo 2012.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.